Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #58 Translated in Filipino

وَمَا مَنَعَهُمْ أَنْ تُقْبَلَ مِنْهُمْ نَفَقَاتُهُمْ إِلَّا أَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَبِرَسُولِهِ وَلَا يَأْتُونَ الصَّلَاةَ إِلَّا وَهُمْ كُسَالَىٰ وَلَا يُنْفِقُونَ إِلَّا وَهُمْ كَارِهُونَ
At wala ng iba pa ang humahadlang sa kanilang tulong na maging katanggap-tanggap mula sa kanila, maliban sa sila ay hindi sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad); at sila ay hindi pumaparoon sa pagdarasal maliban sa kalagayan ng pagiging tamad; at sila ay hindi nagbibigay ng kanilang tulong maliban na may pagtutol sa kalooban
فَلَا تُعْجِبْكَ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُمْ ۚ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمْ بِهَا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَتَزْهَقَ أَنْفُسُهُمْ وَهُمْ كَافِرُونَ
Kaya’t huwag hayaan ang kanilang kayamanan o mga anak ay makalugod sa iyo (o Muhammad); sa katotohanan, ang balak ni Allah ay parusahan sila ng gayong mga bagay sa buhay sa mundong ito, at ang kanilang kaluluwa ay lumisan sa kanila (mamatay) samantalang sila ay mga hindi nananampalataya
وَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنَّهُمْ لَمِنْكُمْ وَمَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَٰكِنَّهُمْ قَوْمٌ يَفْرَقُونَ
Sila ay nanunumpa kay Allah na katotohanang sila ay kapanalig ninyo, datapuwa’t sila ay mga tao (na mapagkunwari) na natatakot (na sila ay inyong mapatay)
لَوْ يَجِدُونَ مَلْجَأً أَوْ مَغَارَاتٍ أَوْ مُدَّخَلًا لَوَلَّوْا إِلَيْهِ وَهُمْ يَجْمَحُونَ
At kung sila ay makakatagpo ng isang silungan, o mga yungib, o isang pook ng kanlungan, karaka-rakang sila ay susugod doon na nagmamadali
وَمِنْهُمْ مَنْ يَلْمِزُكَ فِي الصَّدَقَاتِ فَإِنْ أُعْطُوا مِنْهَا رَضُوا وَإِنْ لَمْ يُعْطَوْا مِنْهَا إِذَا هُمْ يَسْخَطُونَ
At ang ilan sa kanila ay nagpaparatang sa iyo (o Muhammad) sa bagay (ng pagbabaha-bahagi) ng mga limos (tulong). Kung sila ay nabigyan ng bahagi nito, sila ay nalulugod, subalit kung sila ay hindi nabigyan nito, inyong pagmalasin, sila ay sumisiklab sa galit

Choose other languages: