Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #105 Translated in Filipino

وَمِمَّنْ حَوْلَكُمْ مِنَ الْأَعْرَابِ مُنَافِقُونَ ۖ وَمِنْ أَهْلِ الْمَدِينَةِ ۖ مَرَدُوا عَلَى النِّفَاقِ لَا تَعْلَمُهُمْ ۖ نَحْنُ نَعْلَمُهُمْ ۚ سَنُعَذِّبُهُمْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ يُرَدُّونَ إِلَىٰ عَذَابٍ عَظِيمٍ
At sa lipon ng mga bedouin (mga taong naninirahan sa disyerto) na nakapalibot sa inyo, ang ilan ay mga mapagkunwari, at gayundin ang ilan sa mga tao ng Al- Madina, sila ay nagmamalabis at nagpapatuloy sa kanilang pagkukunwari, ikaw (o Muhammad) ay hindi nakakaalam sa kanila, (ngunit) sila ay Aming talastas. Amin (Allah) silang parurusahan ng dalawang ulit, at pagkatapos, sila ay itatambad sa malaki (at kasindak-sindak) na kaparusahan
وَآخَرُونَ اعْتَرَفُوا بِذُنُوبِهِمْ خَلَطُوا عَمَلًا صَالِحًا وَآخَرَ سَيِّئًا عَسَى اللَّهُ أَنْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At may mga iba na tumatanggap ng kanilang mga kasalanan (umaamin sa kanilang pagkakamali), na kanilang pinaghahalo ang mga matutuwid na gawa sa ibang gawa na masasama. Marahil, si Allah ay babaling sa kanila sa pagpapatawad. Katiyakang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
خُذْ مِنْ أَمْوَالِهِمْ صَدَقَةً تُطَهِّرُهُمْ وَتُزَكِّيهِمْ بِهَا وَصَلِّ عَلَيْهِمْ ۖ إِنَّ صَلَاتَكَ سَكَنٌ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Kumuha kayo ng Sadaqah(limosatkawanggawa) mulasakanilangkayamanan upang sila ay mapadalisay nito at sila ay pabanalin, at manalangin kayo kay Allah para sa kanila. Katotohanan! Ang inyong panambitan ay isang pinanggagalingan ng kapanatagan sa kanila, at si Allah ay Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Karunungan
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ هُوَ يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَأْخُذُ الصَّدَقَاتِ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
Hindi baga nila nalalaman na si Allah ay tumatanggap sa pagtitika ng Kanyang mga alipin at tumatanggap sa Sadaqah (limos at kawanggawa), at si Allah lamang ang Tanging Isa na nagpapatawad at tumatanggap ng pagtitika, ang Pinakamaawain
وَقُلِ اعْمَلُوا فَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ وَالْمُؤْمِنُونَ ۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At ipagbadya (o Muhammad): “Magsigawa kayo! Si Allah ang magmamasid sa inyong mga gawa, at (gayundin) sa Kanyang Tagapagbalita at sa mga sumasampalataya. At kayo ay muling ibabalik sa Ganap na Nakakaalam ng mga nalilingid at lantad. At ipapaalam Niya sa inyo ang inyong ginawa.”

Choose other languages: