Surah At-Tawba Ayahs #108 Translated in Filipino
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ هُوَ يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَأْخُذُ الصَّدَقَاتِ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
Hindi baga nila nalalaman na si Allah ay tumatanggap sa pagtitika ng Kanyang mga alipin at tumatanggap sa Sadaqah (limos at kawanggawa), at si Allah lamang ang Tanging Isa na nagpapatawad at tumatanggap ng pagtitika, ang Pinakamaawain
وَقُلِ اعْمَلُوا فَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ وَالْمُؤْمِنُونَ ۖ وَسَتُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At ipagbadya (o Muhammad): “Magsigawa kayo! Si Allah ang magmamasid sa inyong mga gawa, at (gayundin) sa Kanyang Tagapagbalita at sa mga sumasampalataya. At kayo ay muling ibabalik sa Ganap na Nakakaalam ng mga nalilingid at lantad. At ipapaalam Niya sa inyo ang inyong ginawa.”
وَآخَرُونَ مُرْجَوْنَ لِأَمْرِ اللَّهِ إِمَّا يُعَذِّبُهُمْ وَإِمَّا يَتُوبُ عَلَيْهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
At ang iba ay naghihintay ng Kautusan ni Allah, kung sila (baga) ay Kanyang parurusahan o sila ay patatawarin. At si Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng Karunungan
وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مَسْجِدًا ضِرَارًا وَكُفْرًا وَتَفْرِيقًا بَيْنَ الْمُؤْمِنِينَ وَإِرْصَادًا لِمَنْ حَارَبَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ مِنْ قَبْلُ ۚ وَلَيَحْلِفُنَّ إِنْ أَرَدْنَا إِلَّا الْحُسْنَىٰ ۖ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
At sa kanila na nagtatayo ng moske (bahay dalanginan) bilang paraan ng pamiminsala at kawalan ng pananalig, at upang pagwatak-watakin ang mga sumasampalataya, at bilang isang himpilan ng mga nakikidigma kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) noon pa mang una, katotohanang sila ay nanunumpa na ang kanilang saloobin ay walang iba kundi kabutihan. Si Allah ang nagpapatotoo na walang alinlangan na sila ay mga sinungaling
لَا تَقُمْ فِيهِ أَبَدًا ۚ لَمَسْجِدٌ أُسِّسَ عَلَى التَّقْوَىٰ مِنْ أَوَّلِ يَوْمٍ أَحَقُّ أَنْ تَقُومَ فِيهِ ۚ فِيهِ رِجَالٌ يُحِبُّونَ أَنْ يَتَطَهَّرُوا ۚ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُطَّهِّرِينَ
Kailanman ay huwag kayong tumindig (sa moskeng) yaon. Katotohanan, ang moske (bahay dalanginan) na ang pundasyon nito ay inilatag sa kabanalan mula sa unang araw ay higit na karapat-dapat sa inyo upang tindigan (sa pananalangin). Sa loob nito ay mga tao na nagnanais na linisin at dalisayin ang kanilang sarili. At si Allah ay nagmamahal sa kanila na gumagawa sa kanilang sarili na maging malinis at dalisay (alalaong baga, sa mga naglilinis ng kanilang maselang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na lupa at tubig, sa mga dungis dito na tulad ng ihi at dumi, matapos na magbawas)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
