Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #28 Translated in Filipino

أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۖ فَإِنْ يَشَإِ اللَّهُ يَخْتِمْ عَلَىٰ قَلْبِكَ ۗ وَيَمْحُ اللَّهُ الْبَاطِلَ وَيُحِقُّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Ano! Sila ba ay nagsasabi: “Siya ay kumatha lamang ng kasinungalingan laban kay Allah?” Datapuwa’t kung naisin ni Allah ay magagawa Niyang takpan ang iyong puso (upang iyong makalimutan ang lahat mong nalalaman tungkol sa Qur’an). Si Allah ang pumapalis sa kasinungalingan at nagtitindig sa Katotohanan (ng Islam) sa pamamagitan ng Kanyang Salita (Qur’an). Katotohanang ganap Niyang talastas ang (mga lihim) na nasa dibdib (ng mga tao)
وَهُوَ الَّذِي يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَعْفُو عَنِ السَّيِّئَاتِ وَيَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ
At Siya ang tumatanggap sa pagtitika ng Kanyang mga alipin, at nagpapatawad ng mga kasalanan, at batid Niya ang inyong ginagawa
وَيَسْتَجِيبُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۚ وَالْكَافِرُونَ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ
At Siya ang dumirinig (sa mga panalangin) ng mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan; at Siya ang nagdaragdag sa kanila ng Kanyang biyaya, datapuwa’t sa mga hindi sumasampalataya, sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan
وَلَوْ بَسَطَ اللَّهُ الرِّزْقَ لِعِبَادِهِ لَبَغَوْا فِي الْأَرْضِ وَلَٰكِنْ يُنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ بِعِبَادِهِ خَبِيرٌ بَصِيرٌ
At kung naisin ni Allah na pasaganahin ang Kanyang biyaya sa Kanyang mga alipin, katiyakang sila ay lalampas sa lahat ng hangganan ng pagsuway dito sa kalupaan; datapuwa’t ipinaaabot Niya ito sa ganap na sukat sa sinumang Kanyang mapusuan. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakaalam, ang Ganap na Nakamamasid (sa bagay ng kapakinabangan) ng Kanyang mga alipin
وَهُوَ الَّذِي يُنَزِّلُ الْغَيْثَ مِنْ بَعْدِ مَا قَنَطُوا وَيَنْشُرُ رَحْمَتَهُ ۚ وَهُوَ الْوَلِيُّ الْحَمِيدُ
(Si Allah), Siya ang nagpapamalisbis ng ulan (kahima’t) ang (mga tao) ay nawalan na ng lahat ng pag-asa at nagpapamudmod ng Kanyang habag (nang malayo at malawak). At Siya ang Wali (Tagapangalaga, Tagapanustos, Tagapagtaguyod, atbp.), ang Karapat-dapat sa lahat ng mga Pagpupuri

Choose other languages: