Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #27 Translated in Filipino

ذَٰلِكَ الَّذِي يُبَشِّرُ اللَّهُ عِبَادَهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۗ قُلْ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا إِلَّا الْمَوَدَّةَ فِي الْقُرْبَىٰ ۗ وَمَنْ يَقْتَرِفْ حَسَنَةً نَزِدْ لَهُ فِيهَا حُسْنًا ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ شَكُورٌ
Ito ang (Biyaya ng Paraiso) na ibinibigay na magandang balita ni Allah sa Kanyang mga alipin na sumasampalataya (sa Kanyang Kaisahan) at gumagawa ng kabutihan. Ipagbadya (o Muhammad): “wala akong hinihinging pabuya sa inyo maliban sa pagmamahal (ng tulad) ng mga malalapit na kaanak (alalaong baga, hindi siya nangangailangan ng kayamanan, salapi, atbp. sa kanyang pangangaral ng Islam, datapuwa’t siya ay nakikiusap sa kanila na huwag siyang saktan bilang kanilang kaisa sa pamayanan, at siya ay kanilang sundin sa kanyang ipinangangaral). At sinuman ang kumita ng anumang magandang bagay, igagawad Namin sa kanya ang dagdag na kabutihan na katumbas nito, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, at Laging Nagpapahalaga (sa gawa ng mga sumusunod sa Kanya)
أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۖ فَإِنْ يَشَإِ اللَّهُ يَخْتِمْ عَلَىٰ قَلْبِكَ ۗ وَيَمْحُ اللَّهُ الْبَاطِلَ وَيُحِقُّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Ano! Sila ba ay nagsasabi: “Siya ay kumatha lamang ng kasinungalingan laban kay Allah?” Datapuwa’t kung naisin ni Allah ay magagawa Niyang takpan ang iyong puso (upang iyong makalimutan ang lahat mong nalalaman tungkol sa Qur’an). Si Allah ang pumapalis sa kasinungalingan at nagtitindig sa Katotohanan (ng Islam) sa pamamagitan ng Kanyang Salita (Qur’an). Katotohanang ganap Niyang talastas ang (mga lihim) na nasa dibdib (ng mga tao)
وَهُوَ الَّذِي يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَعْفُو عَنِ السَّيِّئَاتِ وَيَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ
At Siya ang tumatanggap sa pagtitika ng Kanyang mga alipin, at nagpapatawad ng mga kasalanan, at batid Niya ang inyong ginagawa
وَيَسْتَجِيبُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۚ وَالْكَافِرُونَ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ
At Siya ang dumirinig (sa mga panalangin) ng mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan; at Siya ang nagdaragdag sa kanila ng Kanyang biyaya, datapuwa’t sa mga hindi sumasampalataya, sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan
وَلَوْ بَسَطَ اللَّهُ الرِّزْقَ لِعِبَادِهِ لَبَغَوْا فِي الْأَرْضِ وَلَٰكِنْ يُنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ بِعِبَادِهِ خَبِيرٌ بَصِيرٌ
At kung naisin ni Allah na pasaganahin ang Kanyang biyaya sa Kanyang mga alipin, katiyakang sila ay lalampas sa lahat ng hangganan ng pagsuway dito sa kalupaan; datapuwa’t ipinaaabot Niya ito sa ganap na sukat sa sinumang Kanyang mapusuan. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakaalam, ang Ganap na Nakamamasid (sa bagay ng kapakinabangan) ng Kanyang mga alipin

Choose other languages: