Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #31 Translated in Filipino

وَلَوْ بَسَطَ اللَّهُ الرِّزْقَ لِعِبَادِهِ لَبَغَوْا فِي الْأَرْضِ وَلَٰكِنْ يُنَزِّلُ بِقَدَرٍ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ بِعِبَادِهِ خَبِيرٌ بَصِيرٌ
At kung naisin ni Allah na pasaganahin ang Kanyang biyaya sa Kanyang mga alipin, katiyakang sila ay lalampas sa lahat ng hangganan ng pagsuway dito sa kalupaan; datapuwa’t ipinaaabot Niya ito sa ganap na sukat sa sinumang Kanyang mapusuan. Katotohanan! Siya ang Ganap na Nakakaalam, ang Ganap na Nakamamasid (sa bagay ng kapakinabangan) ng Kanyang mga alipin
وَهُوَ الَّذِي يُنَزِّلُ الْغَيْثَ مِنْ بَعْدِ مَا قَنَطُوا وَيَنْشُرُ رَحْمَتَهُ ۚ وَهُوَ الْوَلِيُّ الْحَمِيدُ
(Si Allah), Siya ang nagpapamalisbis ng ulan (kahima’t) ang (mga tao) ay nawalan na ng lahat ng pag-asa at nagpapamudmod ng Kanyang habag (nang malayo at malawak). At Siya ang Wali (Tagapangalaga, Tagapanustos, Tagapagtaguyod, atbp.), ang Karapat-dapat sa lahat ng mga Pagpupuri
وَمِنْ آيَاتِهِ خَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِنْ دَابَّةٍ ۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمْعِهِمْ إِذَا يَشَاءُ قَدِيرٌ
At ang ilan sa Kanyang Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp.) ay ang paglikha sa kalangitan at kalupaan, at ang mga nilikhang may buhay ay Kanyang ikinalat dito; at Siya ang may kapangyarihan na tipunin sila nang sama-sama (alalaong baga, ang muli silang ibangon matapos ang kanilang kamatayan sa Araw ng Muling Pagkabuhay) kailanma’t Kanyang naisin
وَمَا أَصَابَكُمْ مِنْ مُصِيبَةٍ فَبِمَا كَسَبَتْ أَيْدِيكُمْ وَيَعْفُو عَنْ كَثِيرٍ
Anumang kamalasan ang sumapit sa inyo; ito ay dahilan sa anumang kinita ng inyong mga kamay, at sa maraming (kasalanan) Siya ay lubhang nagpapatawad
وَمَا أَنْتُمْ بِمُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ ۖ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
At kayo ay hindi makakatalilis sa kalupaan (alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan), at maliban kay Allah, kayo ay wala ng ibang wali (tagapangalaga, tagapagtaguyod), gayundin ng kawaksi

Choose other languages: