Surah An-Nur Ayahs #52 Translated in Filipino
وَإِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ مُعْرِضُونَ
At kung sila ay inaanyayahan kay Allah (alalaong baga, sa Kanyang mga Salita, sa Qur’an) at sa Kanyang Tagapagbalita, upang humatol sa pagitan nila, pagmasdan!, ang isang pangkat sa lipon nila ay tumatanggi (na lumapit) at lumalayo
وَإِنْ يَكُنْ لَهُمُ الْحَقُّ يَأْتُوا إِلَيْهِ مُذْعِنِينَ
Datapuwa’t kung ang katuwiran ay nasa kanila, sila ay lumalapit sa kanya nang kusang loob at may pagtanggap
أَفِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ أَمِ ارْتَابُوا أَمْ يَخَافُونَ أَنْ يَحِيفَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَرَسُولُهُ ۚ بَلْ أُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
Mayroon bagang karamdaman ang kanilang puso? o sila ba ay nagsasalita ng pag-aalinlangan o nangangamba na marahil, si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay magbibigay kamalian sa kanila sa paghatol. Hindi, sila ang Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)
إِنَّمَا كَانَ قَوْلَ الْمُؤْمِنِينَ إِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ أَنْ يَقُولُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Ang tangi lamang sinasambit ng mga matatapat na nananampalataya, kung sila ay tawagin kay Allah (sa Kanyang mga Salita, sa Qur’an) at sa Kanyang Tagapagbalita, upang humatol sa pagitan nila, sila ay nagsasabi: “Kami ay dumirinig at kami ay tumatalima.” At sila ang mga matatagumpay (na mananahan magpakailanman sa Paraiso)
وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَخْشَ اللَّهَ وَيَتَّقْهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ
At sinuman ang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at may pagkatakot kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin (sa Kanya), sila yaong mga matatagumpay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
