Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #94 Translated in Filipino

إِلَّا الَّذِينَ يَصِلُونَ إِلَىٰ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ مِيثَاقٌ أَوْ جَاءُوكُمْ حَصِرَتْ صُدُورُهُمْ أَنْ يُقَاتِلُوكُمْ أَوْ يُقَاتِلُوا قَوْمَهُمْ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَسَلَّطَهُمْ عَلَيْكُمْ فَلَقَاتَلُوكُمْ ۚ فَإِنِ اعْتَزَلُوكُمْ فَلَمْ يُقَاتِلُوكُمْ وَأَلْقَوْا إِلَيْكُمُ السَّلَمَ فَمَا جَعَلَ اللَّهُ لَكُمْ عَلَيْهِمْ سَبِيلًا
Maliban sa kanila na umaanib sa pangkat na sa pagitan ninyo at nila ay mayroong isang kasunduan (ng kapayapaan), o sila na lumalapit sa inyo na may dibdib (damdamin) na nagpipigil sa pakikipaglaban sa inyo gayundin sa pakikipaglaban sa kanilang sariling pamayanan. Kung ninais lamang ni Allah, katotohanang sila ay Kanyang mabibigyan ng kapangyarihan ng higit sa inyo at sa gayon sila (sana’y) nakipaglaban sa inyo. Kaya’t kung sila ay lumayo sa inyo at sila ay hindi nakipaglaban, at (sa halip) ay naghandog sa inyo (ng katiyakan) ng kapayapaan, kung gayon si Allah ay hindi nagbukas ng daan para sa inyo (upang makidigma) laban sa kanila
سَتَجِدُونَ آخَرِينَ يُرِيدُونَ أَنْ يَأْمَنُوكُمْ وَيَأْمَنُوا قَوْمَهُمْ كُلَّ مَا رُدُّوا إِلَى الْفِتْنَةِ أُرْكِسُوا فِيهَا ۚ فَإِنْ لَمْ يَعْتَزِلُوكُمْ وَيُلْقُوا إِلَيْكُمُ السَّلَمَ وَيَكُفُّوا أَيْدِيَهُمْ فَخُذُوهُمْ وَاقْتُلُوهُمْ حَيْثُ ثَقِفْتُمُوهُمْ ۚ وَأُولَٰئِكُمْ جَعَلْنَا لَكُمْ عَلَيْهِمْ سُلْطَانًا مُبِينًا
Inyong matatagpuan ang mga iba na nagnanais na magkaroon ng kapanatagan at kaligtasan mula sa inyo at ng kapanatagan at kaligtasan mula sa kanilang pamayanan. Sa bawat sandali na sila ay ibinabalik sa pagkatukso, sila ay nararahuyo rito. At kung sila ay hindi lalayo sa inyo, o sila ay hindi nag-alok sa inyo ng kapayapaan at hindi nagpigil sa kanilang mga kamay, sila ay inyong sakmalin at patayin kahit saan man ninyo matagpuan sila. Sa kanilang kalalagayan, Aming pinagkalooban kayo ng maliwanag na katwiran laban sa kanila
وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ أَنْ يَقْتُلَ مُؤْمِنًا إِلَّا خَطَأً ۚ وَمَنْ قَتَلَ مُؤْمِنًا خَطَأً فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُؤْمِنَةٍ وَدِيَةٌ مُسَلَّمَةٌ إِلَىٰ أَهْلِهِ إِلَّا أَنْ يَصَّدَّقُوا ۚ فَإِنْ كَانَ مِنْ قَوْمٍ عَدُوٍّ لَكُمْ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُؤْمِنَةٍ ۖ وَإِنْ كَانَ مِنْ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ مِيثَاقٌ فَدِيَةٌ مُسَلَّمَةٌ إِلَىٰ أَهْلِهِ وَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُؤْمِنَةٍ ۖ فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ تَوْبَةً مِنَ اللَّهِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Hindi isang katampatan para sa isang sumasampalataya na pumatay sa isang sumasampalataya maliban na lamang sa (o kung) pagkakamali (na hindi sinasadya), ang sinumang pumatay sa isang sumasampalataya nang hindi sinasadya, (rito ay ipinag-uutos) na siya ay marapat na magpalaya ng isang nananampalatayang alipin at isang diya (kabayaran o tubos sa dugo) na nararapat ibigay sa kamag-anakan ng namatay, maliban na lamang kung ito ay kanilang ipaubaya (ipatawad). Kung ang namatay ay kabilang sa mga tao na kumakalaban sa inyo at siya ay isang nananampalataya; ang pagpapalaya sa isang nananampalatayang alipin (ay itinatalaga, at hindi ang pagbabayad ng diya), at kung siya ay nabibilang sa mga tao na mayroon kayong kasunduan ng pagkakampihan at pagkamatapat (sa isa’t isa), ang diya (kabayaran o tubos sa dugo) ay marapat na ibayad sa kanyang kamag-anakan at ang isang nananampalatayang alipin ay marapat na palayain. At kung sinuman ang walang kakayahan (na matupad ang parusa sa pagpapalaya ng isang alipin), siya ay nararapat na mag-ayuno ng dalawang magkasunod na buwan upang kayo ay makahanap ng pagsisisi kay Allah. At si Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam
وَمَنْ يَقْتُلْ مُؤْمِنًا مُتَعَمِّدًا فَجَزَاؤُهُ جَهَنَّمُ خَالِدًا فِيهَا وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَلَعَنَهُ وَأَعَدَّ لَهُ عَذَابًا عَظِيمًا
At sinuman ang pumatay nang sadya sa isang nananampalataya, ang kanyang kabayaran ay Impiyerno, upang manahan dito, ang Poot at Sumpa ni Allah ay nasa kanya at ang malaking kaparusahan ay inihanda para sa kanya
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا ضَرَبْتُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَتَبَيَّنُوا وَلَا تَقُولُوا لِمَنْ أَلْقَىٰ إِلَيْكُمُ السَّلَامَ لَسْتَ مُؤْمِنًا تَبْتَغُونَ عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فَعِنْدَ اللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٌ ۚ كَذَٰلِكَ كُنْتُمْ مِنْ قَبْلُ فَمَنَّ اللَّهُ عَلَيْكُمْ فَتَبَيَّنُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay pumalaot (upang makipaglaban) sa Kapakanan ni Allah, inyong tuklasin (ang katotohanan), at huwag ninyong sabihin sa sinuman na bumati sa inyo (sa pamamagitan ng pagyakap sa Islam): “Ikaw ay hindi isang nananampalataya”, na naghahangadsanapapalisnamgapanindangmakamundong buhay. Mayroong higit na kapakinabangan at labing yaman ng digmaan ang na kay Allah. Kahit na (kung ano man siya ngayon), kayo ay katulad (rin niya) sa inyong mga sarili noon, hanggang sa igawad ni Allah ang Kanyang paglingap (alalaong baga, kayo ay Kanyang pinatnubayan sa Islam), kaya’t maging maingat sa pagkakaroon ng kinikilingan. Si Allah ay Ganap na Nakakaalam ng inyong ginagawa

Choose other languages: