Surah An-Nisa Ayahs #96 Translated in Filipino
وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ أَنْ يَقْتُلَ مُؤْمِنًا إِلَّا خَطَأً ۚ وَمَنْ قَتَلَ مُؤْمِنًا خَطَأً فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُؤْمِنَةٍ وَدِيَةٌ مُسَلَّمَةٌ إِلَىٰ أَهْلِهِ إِلَّا أَنْ يَصَّدَّقُوا ۚ فَإِنْ كَانَ مِنْ قَوْمٍ عَدُوٍّ لَكُمْ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُؤْمِنَةٍ ۖ وَإِنْ كَانَ مِنْ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ مِيثَاقٌ فَدِيَةٌ مُسَلَّمَةٌ إِلَىٰ أَهْلِهِ وَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مُؤْمِنَةٍ ۖ فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ تَوْبَةً مِنَ اللَّهِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
Hindi isang katampatan para sa isang sumasampalataya na pumatay sa isang sumasampalataya maliban na lamang sa (o kung) pagkakamali (na hindi sinasadya), ang sinumang pumatay sa isang sumasampalataya nang hindi sinasadya, (rito ay ipinag-uutos) na siya ay marapat na magpalaya ng isang nananampalatayang alipin at isang diya (kabayaran o tubos sa dugo) na nararapat ibigay sa kamag-anakan ng namatay, maliban na lamang kung ito ay kanilang ipaubaya (ipatawad). Kung ang namatay ay kabilang sa mga tao na kumakalaban sa inyo at siya ay isang nananampalataya; ang pagpapalaya sa isang nananampalatayang alipin (ay itinatalaga, at hindi ang pagbabayad ng diya), at kung siya ay nabibilang sa mga tao na mayroon kayong kasunduan ng pagkakampihan at pagkamatapat (sa isa’t isa), ang diya (kabayaran o tubos sa dugo) ay marapat na ibayad sa kanyang kamag-anakan at ang isang nananampalatayang alipin ay marapat na palayain. At kung sinuman ang walang kakayahan (na matupad ang parusa sa pagpapalaya ng isang alipin), siya ay nararapat na mag-ayuno ng dalawang magkasunod na buwan upang kayo ay makahanap ng pagsisisi kay Allah. At si Allah ay Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam
وَمَنْ يَقْتُلْ مُؤْمِنًا مُتَعَمِّدًا فَجَزَاؤُهُ جَهَنَّمُ خَالِدًا فِيهَا وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَلَعَنَهُ وَأَعَدَّ لَهُ عَذَابًا عَظِيمًا
At sinuman ang pumatay nang sadya sa isang nananampalataya, ang kanyang kabayaran ay Impiyerno, upang manahan dito, ang Poot at Sumpa ni Allah ay nasa kanya at ang malaking kaparusahan ay inihanda para sa kanya
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا ضَرَبْتُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَتَبَيَّنُوا وَلَا تَقُولُوا لِمَنْ أَلْقَىٰ إِلَيْكُمُ السَّلَامَ لَسْتَ مُؤْمِنًا تَبْتَغُونَ عَرَضَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فَعِنْدَ اللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٌ ۚ كَذَٰلِكَ كُنْتُمْ مِنْ قَبْلُ فَمَنَّ اللَّهُ عَلَيْكُمْ فَتَبَيَّنُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay pumalaot (upang makipaglaban) sa Kapakanan ni Allah, inyong tuklasin (ang katotohanan), at huwag ninyong sabihin sa sinuman na bumati sa inyo (sa pamamagitan ng pagyakap sa Islam): “Ikaw ay hindi isang nananampalataya”, na naghahangadsanapapalisnamgapanindangmakamundong buhay. Mayroong higit na kapakinabangan at labing yaman ng digmaan ang na kay Allah. Kahit na (kung ano man siya ngayon), kayo ay katulad (rin niya) sa inyong mga sarili noon, hanggang sa igawad ni Allah ang Kanyang paglingap (alalaong baga, kayo ay Kanyang pinatnubayan sa Islam), kaya’t maging maingat sa pagkakaroon ng kinikilingan. Si Allah ay Ganap na Nakakaalam ng inyong ginagawa
لَا يَسْتَوِي الْقَاعِدُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ غَيْرُ أُولِي الضَّرَرِ وَالْمُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۚ فَضَّلَ اللَّهُ الْمُجَاهِدِينَ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ عَلَى الْقَاعِدِينَ دَرَجَةً ۚ وَكُلًّا وَعَدَ اللَّهُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَفَضَّلَ اللَّهُ الْمُجَاهِدِينَ عَلَى الْقَاعِدِينَ أَجْرًا عَظِيمًا
Hindi makakapantay ng mga sumasampalataya na nanatili (sa kanilang tahanan), maliban na lamang ang mga may kapansanan (na naaksidente o bulag o pilay, atbp.), ang mga nagsisikap na mahusay at lumalaban sa Kapakanan ni Allah sa pamamagitan ng kanilang kayamanan at buhay. Si Allah ay nagtakda ng mga antas sa mga nagsisikap na mabuti at lumalaban sa pamamagitan ng kanilang kayamanan at buhay nang higit na mataas (kaysa) sa mga nananatili (sa kanilang tahanan). Sa bawat isa sa kanila, si Allah ay nangako ng kabutihan (Paraiso), datapuwa’t higit na pinapahalagahan ni Allah ang mga nagsisikap na mabuti at lumalaban kaysa sa kanya na nananatili (sa kanilang tahanan), sa pamamagitan (ng pagbibigay) ng malaking gantimpala
دَرَجَاتٍ مِنْهُ وَمَغْفِرَةً وَرَحْمَةً ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
Mga antas (ng matataas) na marka mula sa Kanya, at pagpapatawad at habag. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
