Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #59 Translated in Filipino

فَمِنْهُمْ مَنْ آمَنَ بِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ صَدَّ عَنْهُ ۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا
At sa kanilang lipon, (ang ilan) ay nanampalataya sa kanya (Muhammad), at sa kanila (ang ilan) ay nag-iwas ng kanilang mukha sa kanya (Muhammad), at sapat na ang Impiyerno upang (sila) ay sunugin
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا سَوْفَ نُصْلِيهِمْ نَارًا كُلَّمَا نَضِجَتْ جُلُودُهُمْ بَدَّلْنَاهُمْ جُلُودًا غَيْرَهَا لِيَذُوقُوا الْعَذَابَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمًا
Katotohanan! Ang mga hindi sumampalataya sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.), sila ay Aming susunugin sa Apoy; hanggang ang kanilang balat ay malimit (o paulit-ulit) na nalilitson nang ganap, (at) ito ay Aming papalitan ng bago at sariwang balat upang kanilang matikman ang kaparusahan. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَنُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ لَهُمْ فِيهَا أَزْوَاجٌ مُطَهَّرَةٌ ۖ وَنُدْخِلُهُمْ ظِلًّا ظَلِيلًا
Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng kabutihan, sila ayAming tatanggapin sa Hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), mananahan sila rito magpakailanman. Sila ay magkakaroon dito ng dalisay na mga asawa (wala ng regla, dumi, ihi, atbp.), at sila ay Aming tatanggapin sa maluwang, malamig at makapal na lilim (Paraiso)
إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تُؤَدُّوا الْأَمَانَاتِ إِلَىٰ أَهْلِهَا وَإِذَا حَكَمْتُمْ بَيْنَ النَّاسِ أَنْ تَحْكُمُوا بِالْعَدْلِ ۚ إِنَّ اللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُمْ بِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ سَمِيعًا بَصِيرًا
Katotohanan! Si Allah ay nag-uutos na muli ninyong ibalik ang ipinagbilin (ipinagkatiwala) ng iba na sa kanila ay nararapat; at kung kayo ay humatol sa pagitan ng mga tao, kayo ay humatol ng may katarungan. Katotohanan, tunay namang napakainam ng aral na ibinigay Niya (Allah) sa inyo! KatotohanangsiAllahayLaginangNagmamasid,angGanap na Nakakarinig
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَأُولِي الْأَمْرِ مِنْكُمْ ۖ فَإِنْ تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا
o kayong nagsisisampalataya! Sundin ninyo si Allah at sundin ang Tagapagbalita (Muhammad), at sila (na mga Muslim) sa inyong lipon na may kapamahalaan. (At) kung kayo ay may pagkakahidwa-hidwa sa anumang bagay sa pagitan ninyo, isangguni ninyo ito kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita kung kayo ay nananampalataya kay Allah at sa Huling Araw. Ito ay higit na mainam at angkop tungo sa panghuling pagpapasya

Choose other languages: