Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #58 Translated in Filipino

أَمْ يَحْسُدُونَ النَّاسَ عَلَىٰ مَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۖ فَقَدْ آتَيْنَا آلَ إِبْرَاهِيمَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَآتَيْنَاهُمْ مُلْكًا عَظِيمًا
o sila ba ay nananaghili sa mga tao (kay Muhammad at sa kanyang tagasunod) sa anumang Biyaya na ipinagkaloob sa kanila ni Allah? Datapuwa’t Amin nang pinagkalooban ang pamayanan ni Abraham ng Aklat at Karunungan (maka-diyos na kapahayagan) at nagbigay sa kanila ng isang dakilang kaharian
فَمِنْهُمْ مَنْ آمَنَ بِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ صَدَّ عَنْهُ ۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا
At sa kanilang lipon, (ang ilan) ay nanampalataya sa kanya (Muhammad), at sa kanila (ang ilan) ay nag-iwas ng kanilang mukha sa kanya (Muhammad), at sapat na ang Impiyerno upang (sila) ay sunugin
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا سَوْفَ نُصْلِيهِمْ نَارًا كُلَّمَا نَضِجَتْ جُلُودُهُمْ بَدَّلْنَاهُمْ جُلُودًا غَيْرَهَا لِيَذُوقُوا الْعَذَابَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمًا
Katotohanan! Ang mga hindi sumampalataya sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.), sila ay Aming susunugin sa Apoy; hanggang ang kanilang balat ay malimit (o paulit-ulit) na nalilitson nang ganap, (at) ito ay Aming papalitan ng bago at sariwang balat upang kanilang matikman ang kaparusahan. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَنُدْخِلُهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ لَهُمْ فِيهَا أَزْوَاجٌ مُطَهَّرَةٌ ۖ وَنُدْخِلُهُمْ ظِلًّا ظَلِيلًا
Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at gumagawa ng kabutihan, sila ayAming tatanggapin sa Hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), mananahan sila rito magpakailanman. Sila ay magkakaroon dito ng dalisay na mga asawa (wala ng regla, dumi, ihi, atbp.), at sila ay Aming tatanggapin sa maluwang, malamig at makapal na lilim (Paraiso)
إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تُؤَدُّوا الْأَمَانَاتِ إِلَىٰ أَهْلِهَا وَإِذَا حَكَمْتُمْ بَيْنَ النَّاسِ أَنْ تَحْكُمُوا بِالْعَدْلِ ۚ إِنَّ اللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُمْ بِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ سَمِيعًا بَصِيرًا
Katotohanan! Si Allah ay nag-uutos na muli ninyong ibalik ang ipinagbilin (ipinagkatiwala) ng iba na sa kanila ay nararapat; at kung kayo ay humatol sa pagitan ng mga tao, kayo ay humatol ng may katarungan. Katotohanan, tunay namang napakainam ng aral na ibinigay Niya (Allah) sa inyo! KatotohanangsiAllahayLaginangNagmamasid,angGanap na Nakakarinig

Choose other languages: