Surah An-Nisa Ayahs #56 Translated in Filipino
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَعَنَهُمُ اللَّهُ ۖ وَمَنْ يَلْعَنِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ نَصِيرًا
Sila ang mga isinumpa ni Allah, at sa sinuman na isinusumpa ni Allah, kayo ay hindi makakatagpo para sa kanila ng (anumang) kawaksi
أَمْ لَهُمْ نَصِيبٌ مِنَ الْمُلْكِ فَإِذًا لَا يُؤْتُونَ النَّاسَ نَقِيرًا
o mayroon ba silang kahati sa kapamahalaan o kapangyarihan? Pagmasdan, sila ay hindi nagbibigay kahit na sungot (ng palmera) sa kanilang kapwa tao
أَمْ يَحْسُدُونَ النَّاسَ عَلَىٰ مَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۖ فَقَدْ آتَيْنَا آلَ إِبْرَاهِيمَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَآتَيْنَاهُمْ مُلْكًا عَظِيمًا
o sila ba ay nananaghili sa mga tao (kay Muhammad at sa kanyang tagasunod) sa anumang Biyaya na ipinagkaloob sa kanila ni Allah? Datapuwa’t Amin nang pinagkalooban ang pamayanan ni Abraham ng Aklat at Karunungan (maka-diyos na kapahayagan) at nagbigay sa kanila ng isang dakilang kaharian
فَمِنْهُمْ مَنْ آمَنَ بِهِ وَمِنْهُمْ مَنْ صَدَّ عَنْهُ ۚ وَكَفَىٰ بِجَهَنَّمَ سَعِيرًا
At sa kanilang lipon, (ang ilan) ay nanampalataya sa kanya (Muhammad), at sa kanila (ang ilan) ay nag-iwas ng kanilang mukha sa kanya (Muhammad), at sapat na ang Impiyerno upang (sila) ay sunugin
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا سَوْفَ نُصْلِيهِمْ نَارًا كُلَّمَا نَضِجَتْ جُلُودُهُمْ بَدَّلْنَاهُمْ جُلُودًا غَيْرَهَا لِيَذُوقُوا الْعَذَابَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمًا
Katotohanan! Ang mga hindi sumampalataya sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.), sila ay Aming susunugin sa Apoy; hanggang ang kanilang balat ay malimit (o paulit-ulit) na nalilitson nang ganap, (at) ito ay Aming papalitan ng bago at sariwang balat upang kanilang matikman ang kaparusahan. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaalam
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
