Surah An-Nisa Ayahs #23 Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا يَحِلُّ لَكُمْ أَنْ تَرِثُوا النِّسَاءَ كَرْهًا ۖ وَلَا تَعْضُلُوهُنَّ لِتَذْهَبُوا بِبَعْضِ مَا آتَيْتُمُوهُنَّ إِلَّا أَنْ يَأْتِينَ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ ۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ فَإِنْ كَرِهْتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰ أَنْ تَكْرَهُوا شَيْئًا وَيَجْعَلَ اللَّهُ فِيهِ خَيْرًا كَثِيرًا
O kayong nagsisisampalataya! Kayo ay pinagbawalan na inyong manahin (ariin) ang mga babae na laban sa kanilang kagustuhan at sila ay huwag ninyong pakitunguhan ng may kagaspangan, upang inyong mabawi ang bahagi ng Mahr (dote o handog) na inyong ipinagkaloob sa kanila, maliban na lamang kung sila ay nagkasala ng lantad na kahalayan (bawal na pakikipagtalik). (Sa isang banda), kayo ay mamuhay sa kanilang piling ng may dangal. At kung sila ay inyong kasuyaan, marahil ay nasusuya kayo sa isang bagay, at si Allah ay maghahatid sa inyo sa pamamagitan nito ng maraming kabutihan
وَإِنْ أَرَدْتُمُ اسْتِبْدَالَ زَوْجٍ مَكَانَ زَوْجٍ وَآتَيْتُمْ إِحْدَاهُنَّ قِنْطَارًا فَلَا تَأْخُذُوا مِنْهُ شَيْئًا ۚ أَتَأْخُذُونَهُ بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا
Datapuwa’t kung inyong ninanais na palitan ng iba ang inyong kabiyak na babae at kayo ay nagbigay (noon) sa isa sa kanila ng malaking yaman bilang Mahr (dote o handog), huwag ninyong bawiin kahit na ang pinakamaliit nito. Inyo baga itong babawiin ng may kamalian at walang karapatan, at (kayo) ay gagawa ng lantad na kasalanan
وَكَيْفَ تَأْخُذُونَهُ وَقَدْ أَفْضَىٰ بَعْضُكُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ وَأَخَذْنَ مِنْكُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا
At paano ninyo ito babawiin kung kayong dalawa ay nagsiping na sa isa’t isa, at sila ay kumuha sa inyo nang matatag at taimtim na kasunduan
وَلَا تَنْكِحُوا مَا نَكَحَ آبَاؤُكُمْ مِنَ النِّسَاءِ إِلَّا مَا قَدْ سَلَفَ ۚ إِنَّهُ كَانَ فَاحِشَةً وَمَقْتًا وَسَاءَ سَبِيلًا
At huwag ninyong pangasawahin ang mga babae na napangasawa (noon) ng inyong ama, maliban na lamang sa mga nangyari noong una. Katotohanang ito ay kahiya-hiya at kasuklam- suklam at isang masamang gawi (o kinagisnan)
حُرِّمَتْ عَلَيْكُمْ أُمَّهَاتُكُمْ وَبَنَاتُكُمْ وَأَخَوَاتُكُمْ وَعَمَّاتُكُمْ وَخَالَاتُكُمْ وَبَنَاتُ الْأَخِ وَبَنَاتُ الْأُخْتِ وَأُمَّهَاتُكُمُ اللَّاتِي أَرْضَعْنَكُمْ وَأَخَوَاتُكُمْ مِنَ الرَّضَاعَةِ وَأُمَّهَاتُ نِسَائِكُمْ وَرَبَائِبُكُمُ اللَّاتِي فِي حُجُورِكُمْ مِنْ نِسَائِكُمُ اللَّاتِي دَخَلْتُمْ بِهِنَّ فَإِنْ لَمْ تَكُونُوا دَخَلْتُمْ بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ وَحَلَائِلُ أَبْنَائِكُمُ الَّذِينَ مِنْ أَصْلَابِكُمْ وَأَنْ تَجْمَعُوا بَيْنَ الْأُخْتَيْنِ إِلَّا مَا قَدْ سَلَفَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا
Ipinagbabawalsainyo(okalalakihan, namapangasawa) ang (mga sumusunod): ang inyong ina, anak na babae, kapatid na babae, kapatid na babae ng inyong ama, kapatid na babae ng inyong ina, anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, anak na babae ng inyong kapatid na babae, ang babae na umampon sa inyo na nagpasuso sa inyo, ang inyong kinakapatid na babae (kapatid sa ina), ang ina ng inyong kabiyak, ang inyong anak-anakang babae na nasa ilalim ng inyong pangangalaga, na naging anak (sa una o ibang asawa) ng inyong kabiyak na inyong sinipingan, - datapuwa’t ito ay hindi kasalanan sa inyo kung kayo ay hindi sumiping sa kanya (sa inyong kabiyak na siyang ina ng inyong anak- anakang babae), ang naging asawa ng inyong anak na lalaki na nanggaling sa himaymay ng inyong laman, at dalawang magkapatid na babae na inyong pinangasawa nang sabay, maliban na lamang sa nangyari noong una; sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
