Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #176 Translated in Filipino

فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۖ وَأَمَّا الَّذِينَ اسْتَنْكَفُوا وَاسْتَكْبَرُوا فَيُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا
Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan, sa kanila ay Kanyang ipagkakaloob ang kanilang (nakalaang) gantimpala, at marami pang (iba) mula sa Kanyang Biyaya. Datapuwa’t sa mga nagwawalang bahala sa pagsamba sa Kanya at mga palalo, sila ay Kanyang parurusahan ng kasakit-sakit na kaparusahan. At sila ay hindi makakatagpo para sa kanilang sarili maliban pa kay Allah ng anumang tagapangalaga o kawaksi
يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمْ بُرْهَانٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ نُورًا مُبِينًا
o sangkatauhan! Katotohanang dumatal sa inyo ang isang nakapanghihikayat na katibayan (si Propeta Muhammad) mula sa inyong Panginoon, at Aming ipinanaog sa inyo ang lantad na liwanag (ang Qur’an)
فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَاعْتَصَمُوا بِهِ فَسَيُدْخِلُهُمْ فِي رَحْمَةٍ مِنْهُ وَفَضْلٍ وَيَهْدِيهِمْ إِلَيْهِ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا
At sa mga sumasampalataya kay Allah at nananangan (sa pagtitiwala) sa Kanya, sila ay Kanyang tatanggapin sa Kanyang Habag at Biyaya (alalaong baga, ang Paraiso), at Kanyang papatnubayan sila sa Kanyang (Sarili) sa pamamagitan ng tuwid na landas
يَسْتَفْتُونَكَ قُلِ اللَّهُ يُفْتِيكُمْ فِي الْكَلَالَةِ ۚ إِنِ امْرُؤٌ هَلَكَ لَيْسَ لَهُ وَلَدٌ وَلَهُ أُخْتٌ فَلَهَا نِصْفُ مَا تَرَكَ ۚ وَهُوَ يَرِثُهَا إِنْ لَمْ يَكُنْ لَهَا وَلَدٌ ۚ فَإِنْ كَانَتَا اثْنَتَيْنِ فَلَهُمَا الثُّلُثَانِ مِمَّا تَرَكَ ۚ وَإِنْ كَانُوا إِخْوَةً رِجَالًا وَنِسَاءً فَلِلذَّكَرِ مِثْلُ حَظِّ الْأُنْثَيَيْنِ ۗ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ أَنْ تَضِلُّوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Sila ay nagtatanong sa iyotungosaisangmakatuwiran(olegal) napasya. Ipagbadya: “Si Allah ay namamatnubay tungkol sa Al-Kalalah (ang mga [pumanaw] na walang naiwang tagapagmana maging sa kamag-anak na paitaas o pababa [ninuno o anak]). Kung ang namatay ay isang lalaki na nakaiwan ng isang kapatid (na babae), ngunit walang anak, siya (ang kapatid na babae) ay magtatamo ng kalahati ng pamana. At (kung ang namatay) ay isang babae, na walang naiwang anak, ang kanyang kapatid (na lalaki) ang magtatamo ng pamana. Kung mayroong dalawang kapatid (na babae); sila ay magtatamo ng dalawang katlo (2/3) ng pamana; kung mayroong mga kapatid na lalaki at mga babae, ang lalaki ay magtatamo ng dalawang bahagi (doble) ng parte ng babae. (Sa ganito) ay ginawang maliwanag ni Allah sa inyo (ang Kanyang Batas), at kung hindi, baka kayo ay maligaw.” At si Allah ang may Ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay

Choose other languages: