Surah An-Nisa Ayahs #158 Translated in Filipino
وَرَفَعْنَا فَوْقَهُمُ الطُّورَ بِمِيثَاقِهِمْ وَقُلْنَا لَهُمُ ادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُلْنَا لَهُمْ لَا تَعْدُوا فِي السَّبْتِ وَأَخَذْنَا مِنْهُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا
At para sa kanilang Kasunduan ay Aming itinaas sa ibabaw nila ang Bundok (ng Sinai) at (sa ibang pangyayari) ay Aming winika: “Magsipasok kayo sa tarangkahan na nagpapatirapa (o yumuyukod) ng may kapakumbabaan”; at (muli) sila ay Aming pinag-utusan: “Huwag kayong lumabag (sa paggawa ng makamundong bagay) kung (araw) ng Sabado.” At nakipagkasundo Kami sa kanila ng isang matibay na Kasunduan
فَبِمَا نَقْضِهِمْ مِيثَاقَهُمْ وَكُفْرِهِمْ بِآيَاتِ اللَّهِ وَقَتْلِهِمُ الْأَنْبِيَاءَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَقَوْلِهِمْ قُلُوبُنَا غُلْفٌ ۚ بَلْ طَبَعَ اللَّهُ عَلَيْهَا بِكُفْرِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُونَ إِلَّا قَلِيلًا
At dahilan sa kanilang pagsira sa Kasunduan at kanilang pagtatakwil sa Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) niAllah, atsakanilangpagpataysamga Propeta ng walang katarungan, at sa kanilang pagsasabi: “Ang aming puso ay nababalutan (alalalong baga, hindi namin nauunawaan kung ano ang sinasabi ng mga Tagapagbalita)”, hindi, si Allah ay naglagay ng sagka sa kanilang (puso) dahilan sa kanilang kawalan ng pananalig, kaya’t sila ay hindi nananalig maliban sa kaunti lamang
وَبِكُفْرِهِمْ وَقَوْلِهِمْ عَلَىٰ مَرْيَمَ بُهْتَانًا عَظِيمًا
At dahilan sa kanilang (mga Hudyo) hindi pananampalataya at sa kanilang pagsasabi ng laban kay Maria ng isang mabigat at walang katotohanang paratang (na siya ay gumawa ng bawal na pakikipagtalik [sa lalaki)
وَقَوْلِهِمْ إِنَّا قَتَلْنَا الْمَسِيحَ عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ رَسُولَ اللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَٰكِنْ شُبِّهَ لَهُمْ ۚ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِيهِ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ ۚ مَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ إِلَّا اتِّبَاعَ الظَّنِّ ۚ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينًا
At sa kanilang pagsasabi (na nagpaparangalan), “Aming pinatay ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ang Tagapagbalita ni Allah, datapuwa’t siya ay hindi nila napatay, gayundin naman, siya ay hindi nila naibayubay sa krus, datapuwa’t ang nailagay na lalaki ay kawangis ni Hesus (at kanilang napatay ang lalaking ito), at ang may pagkakahidwa (o ibang paniniwala) rito ay puspos ng alinlangan, na ang kaalaman ay walang (katiyakan); wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, sapagkat katotohanang siya (alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria), ay hindi nila napatay
بَلْ رَفَعَهُ اللَّهُ إِلَيْهِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا
Datapuwa’t itinaas siya (Hesus) sa (kanyang katawan at kaluluwa) ni Allah sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa kalangitan [ngayon]). At si Allah ay Lalagi nang Tigib ng Kapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
