Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #137 Translated in Filipino

إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ أَيُّهَا النَّاسُ وَيَأْتِ بِآخَرِينَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرًا
Kung Kanyang naisin, magagawa Niyang wasakin kayo, o sangkatauhan, at gumawa ng panibagong lahi. At si Allah ay may Ganap na Kapangyarihan sa ganitong bagay
مَنْ كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ الدُّنْيَا فَعِنْدَ اللَّهِ ثَوَابُ الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ سَمِيعًا بَصِيرًا
At sinuman ang magnais ng gantimpala sa buhay sa mundong ito, kung gayon, kay Allah (lamang at wala ng iba) ang gantimpala sa makamundong buhay na ito at ng Kabilang Buhay. At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ بِالْقِسْطِ شُهَدَاءَ لِلَّهِ وَلَوْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَوِ الْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ ۚ إِنْ يَكُنْ غَنِيًّا أَوْ فَقِيرًا فَاللَّهُ أَوْلَىٰ بِهِمَا ۖ فَلَا تَتَّبِعُوا الْهَوَىٰ أَنْ تَعْدِلُوا ۚ وَإِنْ تَلْوُوا أَوْ تُعْرِضُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا
o kayong nagsisisampalataya! Manindigan kayo nang matatag sa katarungan, bilang mga saksi kay Allah, kahima’t ito ay maging laban sa inyong sarili, o sa inyong magulang, o sa inyong kamag-anak; maging mayaman o mahirap, si Allah ay higit na mainam na tagapangalaga sa kanila (kapwa sa mayaman at mahirap). Kaya’t huwag ninyong sundin ang paghahangad (ng inyong puso), baka (sakaling) kayo ay umiwas sa katarungan, at kung inyong baligtarin (ang katarungan) o tumanggi na gumawa ng katarungan, katotohanang si Allah ay Lalagi nang Nakakabatid ng anumang inyong ginagawa
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا آمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَالْكِتَابِ الَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَالْكِتَابِ الَّذِي أَنْزَلَ مِنْ قَبْلُ ۚ وَمَنْ يَكْفُرْ بِاللَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا بَعِيدًا
o kayong nagsisisampalataya! Manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at sa Aklat (ang Qur’an) na ipinanaog Niya sa Kanyang Tagapagbalita, at sa Kasulatan na Kanyang ipinanaog nang una (pa sa kanya), at sinuman ang hindi manampalataya kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Tagapagbalita, at sa Huling Araw, kung gayon, katotohanang siya ay napaligaw nang malayo
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا ثُمَّ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا ثُمَّ ازْدَادُوا كُفْرًا لَمْ يَكُنِ اللَّهُ لِيَغْفِرَ لَهُمْ وَلَا لِيَهْدِيَهُمْ سَبِيلًا
Katotohanan, ang mga sumasampalataya; at (kung sila) ay bumalik sa kawalan ng pananampalataya, at muling nanampalataya, at muling bumalik sa kawalan ng pananampalataya, at nagpatuloy sa masahol na kawalan ng pananampalataya; si Allah ay hindi magpapatawad sa kanila, gayundin naman, sila ay hindi gagabayan sa (tamang) landas

Choose other languages: