Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #139 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ بِالْقِسْطِ شُهَدَاءَ لِلَّهِ وَلَوْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَوِ الْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ ۚ إِنْ يَكُنْ غَنِيًّا أَوْ فَقِيرًا فَاللَّهُ أَوْلَىٰ بِهِمَا ۖ فَلَا تَتَّبِعُوا الْهَوَىٰ أَنْ تَعْدِلُوا ۚ وَإِنْ تَلْوُوا أَوْ تُعْرِضُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا
o kayong nagsisisampalataya! Manindigan kayo nang matatag sa katarungan, bilang mga saksi kay Allah, kahima’t ito ay maging laban sa inyong sarili, o sa inyong magulang, o sa inyong kamag-anak; maging mayaman o mahirap, si Allah ay higit na mainam na tagapangalaga sa kanila (kapwa sa mayaman at mahirap). Kaya’t huwag ninyong sundin ang paghahangad (ng inyong puso), baka (sakaling) kayo ay umiwas sa katarungan, at kung inyong baligtarin (ang katarungan) o tumanggi na gumawa ng katarungan, katotohanang si Allah ay Lalagi nang Nakakabatid ng anumang inyong ginagawa
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا آمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَالْكِتَابِ الَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَالْكِتَابِ الَّذِي أَنْزَلَ مِنْ قَبْلُ ۚ وَمَنْ يَكْفُرْ بِاللَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا بَعِيدًا
o kayong nagsisisampalataya! Manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at sa Aklat (ang Qur’an) na ipinanaog Niya sa Kanyang Tagapagbalita, at sa Kasulatan na Kanyang ipinanaog nang una (pa sa kanya), at sinuman ang hindi manampalataya kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Tagapagbalita, at sa Huling Araw, kung gayon, katotohanang siya ay napaligaw nang malayo
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا ثُمَّ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا ثُمَّ ازْدَادُوا كُفْرًا لَمْ يَكُنِ اللَّهُ لِيَغْفِرَ لَهُمْ وَلَا لِيَهْدِيَهُمْ سَبِيلًا
Katotohanan, ang mga sumasampalataya; at (kung sila) ay bumalik sa kawalan ng pananampalataya, at muling nanampalataya, at muling bumalik sa kawalan ng pananampalataya, at nagpatuloy sa masahol na kawalan ng pananampalataya; si Allah ay hindi magpapatawad sa kanila, gayundin naman, sila ay hindi gagabayan sa (tamang) landas
بَشِّرِ الْمُنَافِقِينَ بِأَنَّ لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
Iparating sa mga mapagkunwari ang balita na sa kanila (ay naghihintay) ang isang kasakit-sakit na kaparusahan
الَّذِينَ يَتَّخِذُونَ الْكَافِرِينَ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِ الْمُؤْمِنِينَ ۚ أَيَبْتَغُونَ عِنْدَهُمُ الْعِزَّةَ فَإِنَّ الْعِزَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًا
Ang mga tumatangkilik sa mga hindi sumasampalataya bilang kanilang Auliya (tagapangalaga o kawaksi o kaibigan) sa halip ng mga sumasampalataya, sila baga ay naghahanap sa kanila ng karangalan? Katotohanan, ang lahat ng karangalan ay (tanging) na kay Allah lamang

Choose other languages: