Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #134 Translated in Filipino

وَإِنْ يَتَفَرَّقَا يُغْنِ اللَّهُ كُلًّا مِنْ سَعَتِهِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ وَاسِعًا حَكِيمًا
Datapuwa’t kung sila ay maghiwalay (sa pamamagitan ng diborsyo), si Allah ang magkakaloob ng kasaganaan sa bawat isa sa kanila mula sa Kanyang Biyaya. At si Allah ay Lalagi nang may Kasapatan sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam
وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَلَقَدْ وَصَّيْنَا الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَإِيَّاكُمْ أَنِ اتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدًا
At si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At katotohanan na Aming pinagtagubilinan ang Angkan ng Kasulatan na nangauna sa inyo, at kayo (o mga Muslim), na inyong pangambahan si Allah at inyong panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya, datapuwa’t kung kayo ay hindi manampalataya, kung gayon, kay Allah ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan, at si Allah ay Lalagi nang Masagana (hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng mga Papuri
وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا
At kay Allah ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ay Lalagi nang Sapat bilang tagapamahala ng mga pangyayari
إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ أَيُّهَا النَّاسُ وَيَأْتِ بِآخَرِينَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرًا
Kung Kanyang naisin, magagawa Niyang wasakin kayo, o sangkatauhan, at gumawa ng panibagong lahi. At si Allah ay may Ganap na Kapangyarihan sa ganitong bagay
مَنْ كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ الدُّنْيَا فَعِنْدَ اللَّهِ ثَوَابُ الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ سَمِيعًا بَصِيرًا
At sinuman ang magnais ng gantimpala sa buhay sa mundong ito, kung gayon, kay Allah (lamang at wala ng iba) ang gantimpala sa makamundong buhay na ito at ng Kabilang Buhay. At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid

Choose other languages: