Surah An-Nahl Ayahs #62 Translated in Filipino
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِالْأُنْثَىٰ ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ
At kung ang balita (nang pagsilang) ng isang (batang) babae ay ipinarating sa sinuman sa kanila, ang kanyang mukha ay nagiging madilim, at ang kanyang kalooban ay napupuspos ng panimdim
يَتَوَارَىٰ مِنَ الْقَوْمِ مِنْ سُوءِ مَا بُشِّرَ بِهِ ۚ أَيُمْسِكُهُ عَلَىٰ هُونٍ أَمْ يَدُسُّهُ فِي التُّرَابِ ۗ أَلَا سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
Ikinukubli niya ang kanyang sarili sa mga tao dahilan sa kasamaan ng ibinalita sa kanya. Kanya bang pananatilihin siya (ang batang babae) na hindi nagbigay dangal (itinuturing na kahihiyan) sa kanya, o siya ba ay ililibing niya sa lupa? Katotohanang kasamaan ang kanilang pasya
لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ مَثَلُ السَّوْءِ ۖ وَلِلَّهِ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, ito ay isang masamang paglalarawan, at para kay Allah ang pinakamataas na paglalarawan. At Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman
وَلَوْ يُؤَاخِذُ اللَّهُ النَّاسَ بِظُلْمِهِمْ مَا تَرَكَ عَلَيْهَا مِنْ دَابَّةٍ وَلَٰكِنْ يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ
At kung si Allah ay sasakmal sa sangkatauhan dahilan sa kanilang kamalian, Siya ay hindi mag-iiwan (sa kalupaan) ng isa mang gumagalaw (may buhay) na nilalang, datapuwa’t ipinagpapaliban Niya ito sa isang natataningang panahon, at kung ang kanilang takdang panahon ay sumapit na, hindi nila magagawang antalahin (ang kaparusahan) maging sa isang oras (o isang saglit), gayundin naman, ito ay hindi nila maaaring pangunahan
وَيَجْعَلُونَ لِلَّهِ مَا يَكْرَهُونَ وَتَصِفُ أَلْسِنَتُهُمُ الْكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ الْحُسْنَىٰ ۖ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ النَّارَ وَأَنَّهُمْ مُفْرَطُونَ
Kanilang iniaakibat kay Allah ang bagay na hindi nila naiibigan (sa kanilang sarili), at ang kanilang dila ang nagpapatotoo sa kabulaanan na ang mga maiinam na bagay ay mapapasakanila. walang alinlangan na para sa kanila ang Apoy, at sila ang unang mamadaliin dito, at iiwanan dito na pinabayaan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
