Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #61 Translated in Filipino

وَيَجْعَلُونَ لِلَّهِ الْبَنَاتِ سُبْحَانَهُ ۙ وَلَهُمْ مَا يَشْتَهُونَ
At sila ay nagtataguri ng mga anak na babae kay Allah! Siya ay Maluwalhati (at Higit na Mataas) sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya! At mapapasakanilang sarili kung ano ang kanilang ninanasa
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِالْأُنْثَىٰ ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ
At kung ang balita (nang pagsilang) ng isang (batang) babae ay ipinarating sa sinuman sa kanila, ang kanyang mukha ay nagiging madilim, at ang kanyang kalooban ay napupuspos ng panimdim
يَتَوَارَىٰ مِنَ الْقَوْمِ مِنْ سُوءِ مَا بُشِّرَ بِهِ ۚ أَيُمْسِكُهُ عَلَىٰ هُونٍ أَمْ يَدُسُّهُ فِي التُّرَابِ ۗ أَلَا سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
Ikinukubli niya ang kanyang sarili sa mga tao dahilan sa kasamaan ng ibinalita sa kanya. Kanya bang pananatilihin siya (ang batang babae) na hindi nagbigay dangal (itinuturing na kahihiyan) sa kanya, o siya ba ay ililibing niya sa lupa? Katotohanang kasamaan ang kanilang pasya
لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ مَثَلُ السَّوْءِ ۖ وَلِلَّهِ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, ito ay isang masamang paglalarawan, at para kay Allah ang pinakamataas na paglalarawan. At Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman
وَلَوْ يُؤَاخِذُ اللَّهُ النَّاسَ بِظُلْمِهِمْ مَا تَرَكَ عَلَيْهَا مِنْ دَابَّةٍ وَلَٰكِنْ يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ لَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ
At kung si Allah ay sasakmal sa sangkatauhan dahilan sa kanilang kamalian, Siya ay hindi mag-iiwan (sa kalupaan) ng isa mang gumagalaw (may buhay) na nilalang, datapuwa’t ipinagpapaliban Niya ito sa isang natataningang panahon, at kung ang kanilang takdang panahon ay sumapit na, hindi nila magagawang antalahin (ang kaparusahan) maging sa isang oras (o isang saglit), gayundin naman, ito ay hindi nila maaaring pangunahan

Choose other languages: