Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #60 Translated in Filipino

وَيَجْعَلُونَ لِمَا لَا يَعْلَمُونَ نَصِيبًا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ ۗ تَاللَّهِ لَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَفْتَرُونَ
At sila ay nagkakatiwala ng isang bahagi ng mga ipinagkaloob Namin sa kanila tungo sa bagay na hindi nila batid (mga huwad na diyos). Sa pamamagitan ni Allah, katotohanang kayo ay tatanungin sa lahat ng inyong mga kabulaanan
وَيَجْعَلُونَ لِلَّهِ الْبَنَاتِ سُبْحَانَهُ ۙ وَلَهُمْ مَا يَشْتَهُونَ
At sila ay nagtataguri ng mga anak na babae kay Allah! Siya ay Maluwalhati (at Higit na Mataas) sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya! At mapapasakanilang sarili kung ano ang kanilang ninanasa
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُمْ بِالْأُنْثَىٰ ظَلَّ وَجْهُهُ مُسْوَدًّا وَهُوَ كَظِيمٌ
At kung ang balita (nang pagsilang) ng isang (batang) babae ay ipinarating sa sinuman sa kanila, ang kanyang mukha ay nagiging madilim, at ang kanyang kalooban ay napupuspos ng panimdim
يَتَوَارَىٰ مِنَ الْقَوْمِ مِنْ سُوءِ مَا بُشِّرَ بِهِ ۚ أَيُمْسِكُهُ عَلَىٰ هُونٍ أَمْ يَدُسُّهُ فِي التُّرَابِ ۗ أَلَا سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
Ikinukubli niya ang kanyang sarili sa mga tao dahilan sa kasamaan ng ibinalita sa kanya. Kanya bang pananatilihin siya (ang batang babae) na hindi nagbigay dangal (itinuturing na kahihiyan) sa kanya, o siya ba ay ililibing niya sa lupa? Katotohanang kasamaan ang kanilang pasya
لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ مَثَلُ السَّوْءِ ۖ وَلِلَّهِ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, ito ay isang masamang paglalarawan, at para kay Allah ang pinakamataas na paglalarawan. At Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman

Choose other languages: