Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mumtahana Ayahs #10 Translated in Filipino

لَقَدْ كَانَ لَكُمْ فِيهِمْ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِمَنْ كَانَ يَرْجُو اللَّهَ وَالْيَوْمَ الْآخِرَ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ
Katotohanang mayroon sa kanila na isang mabuting halimbawa upang inyong panuntunan, doon sa mga tao na ang pag-asa ay kay Allah at sa Huling Araw. Datapuwa’t kung sinuman ang tumalikod, katotohanang si Allah ay hindi nangangailangan ng anupaman, at sa Kanyang lahat (nauukol) ang pagpupuri
عَسَى اللَّهُ أَنْ يَجْعَلَ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَ الَّذِينَ عَادَيْتُمْ مِنْهُمْ مَوَدَّةً ۚ وَاللَّهُ قَدِيرٌ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Maaaring si Allah ay magkaloob sa inyo ng pagmamahal (at pakikipagkaibigan) sa mga tao na itinuturing ninyo (ngayon) na inyong mga kaaway sapagkat si Allah ang may kapangyarihan (sa lahat ng bagay), at si Allah ang Laging Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
لَا يَنْهَاكُمُ اللَّهُ عَنِ الَّذِينَ لَمْ يُقَاتِلُوكُمْ فِي الدِّينِ وَلَمْ يُخْرِجُوكُمْ مِنْ دِيَارِكُمْ أَنْ تَبَرُّوهُمْ وَتُقْسِطُوا إِلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ
Hindi kayo pinagbabawalan ni Allah tungkol sa mga tao na hindi lumalaban sa inyong pananampalataya at hindi nagtataboy sa inyo sa inyong tahanan, na sila ay inyong pakitunguhan nang mabuti at makatarungan, sapagkat si Allah ay nagmamahal sa mga taong gumagawa ng may katarungan
إِنَّمَا يَنْهَاكُمُ اللَّهُ عَنِ الَّذِينَ قَاتَلُوكُمْ فِي الدِّينِ وَأَخْرَجُوكُمْ مِنْ دِيَارِكُمْ وَظَاهَرُوا عَلَىٰ إِخْرَاجِكُمْ أَنْ تَوَلَّوْهُمْ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
Si Allah ay nagbabawal lamang sa inyo hinggil sa mga tao na lumalaban sa inyong pananampalataya at nagtataboy sa inyo sa inyong mga tahanan at tumutulong sa iba upang kayo ay mapaalis, si Allah ay nagbabawal sa inyo na kayo ay makitungo sa kanila (sa pakikipaglaban at kaligtasan). At sinuman ang makitungo sa kanila (sa ganitong kalagayan), kung gayon, sila ang Zalimun (mga gumagawa ng kamalian at sumusuway kay Allah)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا جَاءَكُمُ الْمُؤْمِنَاتُ مُهَاجِرَاتٍ فَامْتَحِنُوهُنَّ ۖ اللَّهُ أَعْلَمُ بِإِيمَانِهِنَّ ۖ فَإِنْ عَلِمْتُمُوهُنَّ مُؤْمِنَاتٍ فَلَا تَرْجِعُوهُنَّ إِلَى الْكُفَّارِ ۖ لَا هُنَّ حِلٌّ لَهُمْ وَلَا هُمْ يَحِلُّونَ لَهُنَّ ۖ وَآتُوهُمْ مَا أَنْفَقُوا ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ أَنْ تَنْكِحُوهُنَّ إِذَا آتَيْتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ ۚ وَلَا تُمْسِكُوا بِعِصَمِ الْكَوَافِرِ وَاسْأَلُوا مَا أَنْفَقْتُمْ وَلْيَسْأَلُوا مَا أَنْفَقُوا ۚ ذَٰلِكُمْ حُكْمُ اللَّهِ ۖ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya! Kung may dumarating sa inyo na mga babaeng nagsisilikas, suriin (at bigyang pagsusulit) sila. Si Allah ang tunay na nakakabatid ng kanilang pananampalataya, at kung inyong matiyak na sila ay nananampalataya, sila ay huwag ninyong pabalikin sa mga hindi sumasampalataya. Sila ay hindi naaayon sa batas (na maging asawa) ng mga walang pananampalataya, gayundin naman, hindi naaayon sa batas na ang walang pananampalataya ay maging (asawa) nila. Ngunit bayaran ninyo ang mga hindi sumasampalataya kung anuman ang kanilang ginugol sa kanila bilang dote. At hindi isang kasalanan sa inyo kung nais ninyong mag-asawa sa kanila, kung inyo nang nabayaran ang kanilang dote

Choose other languages: