Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #11 Translated in Filipino

5:7
وَاذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَمِيثَاقَهُ الَّذِي وَاثَقَكُمْ بِهِ إِذْ قُلْتُمْ سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
At alalahanin ang Biyaya ni Allah sa inyo at sa Kanyang Kasunduan na rito kayo ay may katungkulan nang kayo ay magsabi: “Kami ay nakakarinig at kami ay tumatalima.” At pangambahan si Allah. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng mga lihim (ng inyong) dibdib
5:8
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ لِلَّهِ شُهَدَاءَ بِالْقِسْطِ ۖ وَلَا يَجْرِمَنَّكُمْ شَنَآنُ قَوْمٍ عَلَىٰ أَلَّا تَعْدِلُوا ۚ اعْدِلُوا هُوَ أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Manindigan kayo nang matatag kay Allah at maging makatarungang mga saksi at huwag hayaan na ang galit at pagkamuhi ng mga iba ay makagawa sa inyo na umiwas sa katarungan. Maging makatarungan: ito ay higit na malapit sa kabanalan, at pangambahan si Allah. Katotohanang si Allah ay Ganap na Nakakabatid ng anumang inyong ginagawa
5:9
وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۙ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ عَظِيمٌ
Si Allah ay nangako sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, pagiging Tanging Isa ng diyos sa Islam), at gumagawa ng kabutihan, na para sa kanila ay mayroong pagpapatawad at isang malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Sila na hindi sumasampalataya at nagtatakwil sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ay siyang magsisitahan sa Apoy ng Impiyerno
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ هَمَّ قَوْمٌ أَنْ يَبْسُطُوا إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ فَكَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Alalahanin ang kagandahang loob (biyaya) ni Allah sa inyo nang ang ilang tao ay magnais (gumawa ng balak) na iunat ang kanilang mga kamay laban sa inyo, datapuwa’t (si Allah) ang pumigil sa kanilang mga kamay tungo sa inyo. Kaya’t pangambahan si Allah. At hayaan ang mga sumasampalataya ay maglagay ng kanilang pagtitiwala kay Allah

Choose other languages: