Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #13 Translated in Filipino

5:9
وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۙ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ عَظِيمٌ
Si Allah ay nangako sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, pagiging Tanging Isa ng diyos sa Islam), at gumagawa ng kabutihan, na para sa kanila ay mayroong pagpapatawad at isang malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Sila na hindi sumasampalataya at nagtatakwil sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ay siyang magsisitahan sa Apoy ng Impiyerno
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ هَمَّ قَوْمٌ أَنْ يَبْسُطُوا إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ فَكَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Alalahanin ang kagandahang loob (biyaya) ni Allah sa inyo nang ang ilang tao ay magnais (gumawa ng balak) na iunat ang kanilang mga kamay laban sa inyo, datapuwa’t (si Allah) ang pumigil sa kanilang mga kamay tungo sa inyo. Kaya’t pangambahan si Allah. At hayaan ang mga sumasampalataya ay maglagay ng kanilang pagtitiwala kay Allah
وَلَقَدْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَبَعَثْنَا مِنْهُمُ اثْنَيْ عَشَرَ نَقِيبًا ۖ وَقَالَ اللَّهُ إِنِّي مَعَكُمْ ۖ لَئِنْ أَقَمْتُمُ الصَّلَاةَ وَآتَيْتُمُ الزَّكَاةَ وَآمَنْتُمْ بِرُسُلِي وَعَزَّرْتُمُوهُمْ وَأَقْرَضْتُمُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا لَأُكَفِّرَنَّ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَلَأُدْخِلَنَّكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۚ فَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ مِنْكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ
Katotohanang si Allah ay kumuha ng Kasunduan mula sa Angkan ng Israel (mga Hudyo), at Kami ay nagtalaga ng labingdalawang pinuno sa kanilang lipon. At si Allah ay nagwika: “Ako ay nasa sa inyo kung kayo ay nag-aalay ng dasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at nananalig sa Aking mga Tagapagbalita, na nagbibigay dangal at tumutulong sa kanila, at nagpapautang kay Allah ng mabuting pautang. Katotohanang Ako ay magpapatawad ng inyong mga kasalanan at kayo ay Aking tatanggapin sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso). Datapuwa’t sinuman sa inyo makaraan nito ay mawalan ng pananampalataya, katiyakang siya ay naligaw nang malayo sa Tuwid na Landas.”
فَبِمَا نَقْضِهِمْ مِيثَاقَهُمْ لَعَنَّاهُمْ وَجَعَلْنَا قُلُوبَهُمْ قَاسِيَةً ۖ يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ عَنْ مَوَاضِعِهِ ۙ وَنَسُوا حَظًّا مِمَّا ذُكِّرُوا بِهِ ۚ وَلَا تَزَالُ تَطَّلِعُ عَلَىٰ خَائِنَةٍ مِنْهُمْ إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۖ فَاعْفُ عَنْهُمْ وَاصْفَحْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ
Kaya’t dahilan sa kanilang hindi pagtupad ng kanilang Kasunduan, sila ay Aming isinumpa, at hinayaan Namin ang kanilang puso ay tumigas. Sila ay nagpapalit (o nagbabago) ng mga salita sa kanyang (tamang) kahulugan at lubha nilang iniwan ang magandang bahagi ng Kapahayagan na ipinadala sa kanila. At kayo ay hindi matitigil na makatuklas ng pandaraya sa kanila, maliban lamang sa ilan sa kanila. Datapuwa’t sila ay inyong patawarin at kalimutan (ang kanilang masasamang gawa). Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa Al-Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan, ang mga nagbibigay ng kagandahang loob sa mga karapat-dapat)

Choose other languages: