Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #75 Translated in Filipino

وَحَسِبُوا أَلَّا تَكُونَ فِتْنَةٌ فَعَمُوا وَصَمُّوا ثُمَّ تَابَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ثُمَّ عَمُوا وَصَمُّوا كَثِيرٌ مِنْهُمْ ۚ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ
Nag-aakala sila na walang magiging Fitnah (pagsubok o kaparusahan), kaya’t sila ay naging bulag at bingi; makaraan nito, si Allah ay bumaling sa kanila (ng may pagpapatawad); datapuwa’t muli, marami sa kanila ang naging bulag at bingi. At si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng kanilang ginagawa
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۖ وَقَالَ الْمَسِيحُ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۖ إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ ۖ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ
Katotohanang hindi sumasampalataya ang mga nagsasabi: “Si Allah ang Mesiyas (Hesus), ang anak ni Maria.” Datapuwa’t ang Mesiyas (Hesus) ay nagsabi: “O Angkan ng Israel! Sambahin ninyo si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon.” Katotohanan, ang sinumang nagtataguri ng mga katambal sa pagsamba kay Allah, kung gayon, si Allah ay magkakait sa kanya ng Paraiso at ang Apoy ang kanyang magiging tirahan. At sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, buhong, tampalasan), sila ay walang magiging kawaksi
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ ثَالِثُ ثَلَاثَةٍ ۘ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۚ وَإِنْ لَمْ يَنْتَهُوا عَمَّا يَقُولُونَ لَيَمَسَّنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Katotohanan, hindi sumasampalataya ang mga nagsasabi: “Si Allah ay isa sa tatlo (sa Trinidad).” Datapuwa’t wala ng iba pang Diyos maliban sa Nag-iisang Diyos ([Allah], alalaong baga, wala ng iba pang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). At kung sila ay hindi titigil sa kanilang sinasabi, katotohanan, ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sasapit sa mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon
أَفَلَا يَتُوبُونَ إِلَى اللَّهِ وَيَسْتَغْفِرُونَهُ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Hindi baga sila magbabalik loob (sa pagsisisi) kay Allah at hihingi ng Kanyang kapatawaran? Sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
مَا الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ إِلَّا رَسُولٌ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِ الرُّسُلُ وَأُمُّهُ صِدِّيقَةٌ ۖ كَانَا يَأْكُلَانِ الطَّعَامَ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ الْآيَاتِ ثُمَّ انْظُرْ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ
Ang Mesiyas (Hesus), ang anak ni Maria, ay hindi hihigit pa sa isang Tagapagbalita, marami ng mga Tagapagbalita ang pumanaw nang una pa sa kanya. Ang kanyang ina (Maria) ay isang Siddiqah (alalaong baga, siya ay naniniwala sa mga salita ni Allah at sa Kanyang mga Aklat; tunghayan ang Surah 66:12). Sila ay kapwa kumakain ng pagkain (na katulad ng iba pang tao, subalit si Allah ay hindi kumakain). Pagmasdan kung paano Namin ginawa ang Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) na maliwanag sa kanila, magkagayunman, pagmalasin kung paano sila napaligaw nang malayo (sa katotohanan)

Choose other languages: