Surah Al-Maeda Ayahs #78 Translated in Filipino
أَفَلَا يَتُوبُونَ إِلَى اللَّهِ وَيَسْتَغْفِرُونَهُ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Hindi baga sila magbabalik loob (sa pagsisisi) kay Allah at hihingi ng Kanyang kapatawaran? Sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
مَا الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ إِلَّا رَسُولٌ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِ الرُّسُلُ وَأُمُّهُ صِدِّيقَةٌ ۖ كَانَا يَأْكُلَانِ الطَّعَامَ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ الْآيَاتِ ثُمَّ انْظُرْ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ
Ang Mesiyas (Hesus), ang anak ni Maria, ay hindi hihigit pa sa isang Tagapagbalita, marami ng mga Tagapagbalita ang pumanaw nang una pa sa kanya. Ang kanyang ina (Maria) ay isang Siddiqah (alalaong baga, siya ay naniniwala sa mga salita ni Allah at sa Kanyang mga Aklat; tunghayan ang Surah 66:12). Sila ay kapwa kumakain ng pagkain (na katulad ng iba pang tao, subalit si Allah ay hindi kumakain). Pagmasdan kung paano Namin ginawa ang Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) na maliwanag sa kanila, magkagayunman, pagmalasin kung paano sila napaligaw nang malayo (sa katotohanan)
قُلْ أَتَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَكُمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا ۚ وَاللَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
Ipagbadya (o Muhammad sa sangkatauhan): “Paano ninyo sinasamba maliban pa kay Allah ang isang bagay na walang kapangyarihan na makagawa ng kapinsalaan gayundin ng kapakinabangan? Datapuwa’t si Allah ang Siyang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam
قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ غَيْرَ الْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعُوا أَهْوَاءَ قَوْمٍ قَدْ ضَلُّوا مِنْ قَبْلُ وَأَضَلُّوا كَثِيرًا وَضَلُّوا عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ
Ipagbadya (o Muhammad sa sangkatauhan): “o Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng inyong pananampalataya (sa pamamagitan ng pananalig sa bagay) na naiiba sa katotohanan, at huwag ninyong sundin ang walang kapararakang pagnanais ng mga tao na napaligaw noong una, at naglihis sa marami, at nagligaw (sa kanilang sarili) sa Tamang Landas.”
لُعِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَلَىٰ لِسَانِ دَاوُودَ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوْا وَكَانُوا يَعْتَدُونَ
Ang mga nasa lipon ng Angkan ng Israel na hindi sumampalataya ay isinumpa sa pamamagitan ng dila ni David, at Hesus, ang anak ni Maria. Ito’y sa dahilang sila ay sumuway (kay Allah at sa Tagapagbalita) at patuloy na lumalabag nang lagpas sa lahat ng hangganan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
