Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #49 Translated in Filipino

وَكَتَبْنَا عَلَيْهِمْ فِيهَا أَنَّ النَّفْسَ بِالنَّفْسِ وَالْعَيْنَ بِالْعَيْنِ وَالْأَنْفَ بِالْأَنْفِ وَالْأُذُنَ بِالْأُذُنِ وَالسِّنَّ بِالسِّنِّ وَالْجُرُوحَ قِصَاصٌ ۚ فَمَنْ تَصَدَّقَ بِهِ فَهُوَ كَفَّارَةٌ لَهُ ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
At Aming ipinag-utos dito para sa kanila: “Buhay sa buhay, mata sa mata, ilong sa ilong, tainga sa tainga, ngipin sa ngipin, at mga sugat na magkatumbas sa dami.” Datapuwa’t kung sinuman ang magbayad ng pagganti sa paraan ng kawanggawa, ito para sa kanya ay isang pagpapawalang sala (o paghuhugas ng kasalanan). At kung sinuman ang hindi humatol ng ayon sa ipinahayag ni Allah, sila ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at tampalasan, – sa mababang antas)
وَقَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِمْ بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْإِنْجِيلَ فِيهِ هُدًى وَنُورٌ وَمُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ التَّوْرَاةِ وَهُدًى وَمَوْعِظَةً لِلْمُتَّقِينَ
At sa kanilang yapak ay Aming isinugo si Hesus, ang anak ni Maria, na nagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na dumatal nang una pa sa kanya, at Aming ipinagkaloob sa kanya ang Ebanghelyo, na naririto ang patnubay at liwanag at pagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na dumatal bago pa rito (Ebanghelyo), isang patnubay at paala-ala sa Al Muttaqun (mga matimtiman, banal, matuwid, mabuting tao)
وَلْيَحْكُمْ أَهْلُ الْإِنْجِيلِ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فِيهِ ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ
Hayaan ang mga tao ng Ebanghelyo ay humatol ng ayon sa ipinahayag ni Allah dito. At sinuman ang hindi humatol ng ayon sa ipinahayag ni Allah, (kung gayon) ang gayong (mga tao) ay Fasiqun (mga mapaghimagsik, palasuway kay Allah, – sa mababang antas)
وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ الْكِتَابِ وَمُهَيْمِنًا عَلَيْهِ ۖ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ عَمَّا جَاءَكَ مِنَ الْحَقِّ ۚ لِكُلٍّ جَعَلْنَا مِنْكُمْ شِرْعَةً وَمِنْهَاجًا ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
At Aming ipinanaog sa iyo (o Muhammad) ang Aklat (Qur’an) sa katotohanan, na nagpapatotoo sa Kasulatan na dumatal nang una pa rito at Mohayminan (Karapat-dapat sa Kataasan at isang Saksi) rito (sa mga lumang Kasulatan). Kaya’t iyong hatulan sila ng ayon sa ipinahayag ni Allah at huwag mong sundin ang kanilang walang saysay na pagnanais, na nagliligaw sa iyo sa katotohanan na dumatal sa iyo. Sa bawat isa sa inyo, Kami ay nagtalaga ng isang Batas at Maliwanag na Landas. Kung ninais lamang ni Allah, magagawa Niya na kayo ay maging isang bansa (pamayanan), datapuwa’t nais Niya na masubukan kayo sa bagay na Kanyang ipinagkaloob sa inyo; kaya’t magpunyagi kayo tulad sa isang karera, sa mabubuting gawa. Ang pagbabalik ninyong lahat ay kay Allah; at ipapaalam Niya sa inyo ang tungkol sa mga bagay na nakahiratihan na ninyong hindi pinagkakasunduan
وَأَنِ احْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ وَاحْذَرْهُمْ أَنْ يَفْتِنُوكَ عَنْ بَعْضِ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَاعْلَمْ أَنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُصِيبَهُمْ بِبَعْضِ ذُنُوبِهِمْ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ لَفَاسِقُونَ
At humatol ka (o Muhammad) sa pagitan nila ng ayon sa ipinahayag ni Allah at huwag mong sundin ang kanilang walang saysay na pagnanais, at mag-ingat ka sa kanila, maaaring ikaw (o Muhammad) ay mailihis nila nang malayo sa ilan sa mga bagay na ipinanaog sa iyo ni Allah. At kung sila ay magsitalikod, iyong maalaman na ang niloloob ni Allah ay maparusahan sila sa ilan sa kanilang mga kasalanan. At katotohanan, ang karamihan sa mga tao ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)

Choose other languages: