Surah Al-Maeda Ayahs #52 Translated in Filipino
وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ الْكِتَابِ وَمُهَيْمِنًا عَلَيْهِ ۖ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ عَمَّا جَاءَكَ مِنَ الْحَقِّ ۚ لِكُلٍّ جَعَلْنَا مِنْكُمْ شِرْعَةً وَمِنْهَاجًا ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
At Aming ipinanaog sa iyo (o Muhammad) ang Aklat (Qur’an) sa katotohanan, na nagpapatotoo sa Kasulatan na dumatal nang una pa rito at Mohayminan (Karapat-dapat sa Kataasan at isang Saksi) rito (sa mga lumang Kasulatan). Kaya’t iyong hatulan sila ng ayon sa ipinahayag ni Allah at huwag mong sundin ang kanilang walang saysay na pagnanais, na nagliligaw sa iyo sa katotohanan na dumatal sa iyo. Sa bawat isa sa inyo, Kami ay nagtalaga ng isang Batas at Maliwanag na Landas. Kung ninais lamang ni Allah, magagawa Niya na kayo ay maging isang bansa (pamayanan), datapuwa’t nais Niya na masubukan kayo sa bagay na Kanyang ipinagkaloob sa inyo; kaya’t magpunyagi kayo tulad sa isang karera, sa mabubuting gawa. Ang pagbabalik ninyong lahat ay kay Allah; at ipapaalam Niya sa inyo ang tungkol sa mga bagay na nakahiratihan na ninyong hindi pinagkakasunduan
وَأَنِ احْكُمْ بَيْنَهُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَهُمْ وَاحْذَرْهُمْ أَنْ يَفْتِنُوكَ عَنْ بَعْضِ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ إِلَيْكَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَاعْلَمْ أَنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُصِيبَهُمْ بِبَعْضِ ذُنُوبِهِمْ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا مِنَ النَّاسِ لَفَاسِقُونَ
At humatol ka (o Muhammad) sa pagitan nila ng ayon sa ipinahayag ni Allah at huwag mong sundin ang kanilang walang saysay na pagnanais, at mag-ingat ka sa kanila, maaaring ikaw (o Muhammad) ay mailihis nila nang malayo sa ilan sa mga bagay na ipinanaog sa iyo ni Allah. At kung sila ay magsitalikod, iyong maalaman na ang niloloob ni Allah ay maparusahan sila sa ilan sa kanilang mga kasalanan. At katotohanan, ang karamihan sa mga tao ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
أَفَحُكْمَ الْجَاهِلِيَّةِ يَبْغُونَ ۚ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ اللَّهِ حُكْمًا لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ
Sila baga ay naghahanap sa kahatulan ng (mga araw) ng Kawalang Muwang? At sino baga kaya ang higit na mainam sa paghatol tangi pa kay Allah sa mga tao na walang matatag na pananalig
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْيَهُودَ وَالنَّصَارَىٰ أَوْلِيَاءَ ۘ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَإِنَّهُ مِنْهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin ang mga Hudyo at Kristiyano bilang Auliya (kaibigan, tagapangalaga, katulong, atbp.), sila ay Auliya lamang sa bawat isa sa kanilang lipon. At kung sinuman sa inyo ang kumuha sa kanila bilang Auliya, kung gayon, siya ay isa sa kanila. Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buhong, buktot, walang katarungan)
فَتَرَى الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ يُسَارِعُونَ فِيهِمْ يَقُولُونَ نَخْشَىٰ أَنْ تُصِيبَنَا دَائِرَةٌ ۚ فَعَسَى اللَّهُ أَنْ يَأْتِيَ بِالْفَتْحِ أَوْ أَمْرٍ مِنْ عِنْدِهِ فَيُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا أَسَرُّوا فِي أَنْفُسِهِمْ نَادِمِينَ
At inyong napagmamalas, sila na sa kanilang puso ay may karamdaman (ng pagkukunwari), sila ay nagmamadali sa kanilang pakikipagkaibigan, na nagsasabi: “Kami ay nangangamba, baka ang ilang kasawian ng kapahamakan ay sumapit sa amin.” Maaaring si Allah ay maghatid sa kanila ng isang tagumpay o isang pasya ayon sa Kanyang Kalooban. At sila ay magsisisi sa mga bagay na kanilang itinatago bilang lihim sa kanilang sarili
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
