Surah Al-Maeda Ayahs #24 Translated in Filipino
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَعَلَ فِيكُمْ أَنْبِيَاءَ وَجَعَلَكُمْ مُلُوكًا وَآتَاكُمْ مَا لَمْ يُؤْتِ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ
At (gunitain) nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “o aking pamayanan! Alalahanin ninyo ang kagandahang loob ni Allah sa inyo nang Siya ay humirang ng mga propeta sa lipon ninyo; kayo ay Kanyang ginawang mga hari, at ipinagkaloob Niya sa inyo ang mga bagay na hindi Niya ipinagkaloob sa iba pa sa bunton ng lahat ng mga nilalang (ng inyong kapanahunan)
يَا قَوْمِ ادْخُلُوا الْأَرْضَ الْمُقَدَّسَةَ الَّتِي كَتَبَ اللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَرْتَدُّوا عَلَىٰ أَدْبَارِكُمْ فَتَنْقَلِبُوا خَاسِرِينَ
“o aking pamayanan! Pumasok kayo sa banal na lupa (Palestina) na siyang itinalaga sa inyo ni Allah, at huwag kayong tumalikod (sa pagtakas), sapagkat kung magkakagayon, kayo ay magsisibalik na mga talunan
قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّ فِيهَا قَوْمًا جَبَّارِينَ وَإِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا حَتَّىٰ يَخْرُجُوا مِنْهَا فَإِنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا فَإِنَّا دَاخِلُونَ
Sila ay nagsabi: “o Moises, Naririto (sa lupaing ito) ang mga tao na may magagaling na lakas, at kami ay hindi kailanman papasok dito hanggang sa iwan nila ito; at kung sila ay umalis, kung gayon, kami ay papasok.”
قَالَ رَجُلَانِ مِنَ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمَا ادْخُلُوا عَلَيْهِمُ الْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَالِبُونَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَتَوَكَّلُوا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Ang dalawa sa mga tao na nangamba (kay Allah), na pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya (sila ay sina Yusha at Ka’lab) ay nagsabi: “Sila ay inyong salakayin sa Tarangkahan, sapagkat kung kayo ay makapasok na, ang tagumpay ay sasainyo, at inyong ibigay ang pagtitiwala kay Allah kung kayo ay tunay na nananampalataya
قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا أَبَدًا مَا دَامُوا فِيهَا ۖ فَاذْهَبْ أَنْتَ وَرَبُّكَ فَقَاتِلَا إِنَّا هَاهُنَا قَاعِدُونَ
Sila ay nagsabi: “O Moises! Hindi kami kailanman papasok dito habang sila ay nandirito. Kaya’t ikaw ay pumaroon (na kasama) ang iyong Panginoon at makipaglaban kayong dalawa, kami ay mauupo (lamang) dito.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
