Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #23 Translated in Filipino

يَا أَهْلَ الْكِتَابِ قَدْ جَاءَكُمْ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمْ عَلَىٰ فَتْرَةٍ مِنَ الرُّسُلِ أَنْ تَقُولُوا مَا جَاءَنَا مِنْ بَشِيرٍ وَلَا نَذِيرٍ ۖ فَقَدْ جَاءَكُمْ بَشِيرٌ وَنَذِيرٌ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) na gumagawa (na ang mga bagay) ay maging maliwanag sa inyo, matapos na mauntol (ang sunod-sunod) na mga Tagapagbalita, kung hindi, maaari ninyong sabihin: “walang dumatal sa amin na nagdala ng mabuting balita at walang tagapagbabala.” Datapuwa’t ngayon ay dumatal sa inyo ang isang tagapagdala ng mabuting balita at isang tagapagbabala. At si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ اذْكُرُوا نِعْمَةَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ جَعَلَ فِيكُمْ أَنْبِيَاءَ وَجَعَلَكُمْ مُلُوكًا وَآتَاكُمْ مَا لَمْ يُؤْتِ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ
At (gunitain) nang sabihin ni Moises sa kanyang pamayanan: “o aking pamayanan! Alalahanin ninyo ang kagandahang loob ni Allah sa inyo nang Siya ay humirang ng mga propeta sa lipon ninyo; kayo ay Kanyang ginawang mga hari, at ipinagkaloob Niya sa inyo ang mga bagay na hindi Niya ipinagkaloob sa iba pa sa bunton ng lahat ng mga nilalang (ng inyong kapanahunan)
يَا قَوْمِ ادْخُلُوا الْأَرْضَ الْمُقَدَّسَةَ الَّتِي كَتَبَ اللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَرْتَدُّوا عَلَىٰ أَدْبَارِكُمْ فَتَنْقَلِبُوا خَاسِرِينَ
“o aking pamayanan! Pumasok kayo sa banal na lupa (Palestina) na siyang itinalaga sa inyo ni Allah, at huwag kayong tumalikod (sa pagtakas), sapagkat kung magkakagayon, kayo ay magsisibalik na mga talunan
قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّ فِيهَا قَوْمًا جَبَّارِينَ وَإِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا حَتَّىٰ يَخْرُجُوا مِنْهَا فَإِنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا فَإِنَّا دَاخِلُونَ
Sila ay nagsabi: “o Moises, Naririto (sa lupaing ito) ang mga tao na may magagaling na lakas, at kami ay hindi kailanman papasok dito hanggang sa iwan nila ito; at kung sila ay umalis, kung gayon, kami ay papasok.”
قَالَ رَجُلَانِ مِنَ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمَا ادْخُلُوا عَلَيْهِمُ الْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَالِبُونَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَتَوَكَّلُوا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Ang dalawa sa mga tao na nangamba (kay Allah), na pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya (sila ay sina Yusha at Ka’lab) ay nagsabi: “Sila ay inyong salakayin sa Tarangkahan, sapagkat kung kayo ay makapasok na, ang tagumpay ay sasainyo, at inyong ibigay ang pagtitiwala kay Allah kung kayo ay tunay na nananampalataya

Choose other languages: