Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #27 Translated in Filipino

قَالَ رَجُلَانِ مِنَ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِمَا ادْخُلُوا عَلَيْهِمُ الْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَالِبُونَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَتَوَكَّلُوا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Ang dalawa sa mga tao na nangamba (kay Allah), na pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya (sila ay sina Yusha at Ka’lab) ay nagsabi: “Sila ay inyong salakayin sa Tarangkahan, sapagkat kung kayo ay makapasok na, ang tagumpay ay sasainyo, at inyong ibigay ang pagtitiwala kay Allah kung kayo ay tunay na nananampalataya
قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِنَّا لَنْ نَدْخُلَهَا أَبَدًا مَا دَامُوا فِيهَا ۖ فَاذْهَبْ أَنْتَ وَرَبُّكَ فَقَاتِلَا إِنَّا هَاهُنَا قَاعِدُونَ
Sila ay nagsabi: “O Moises! Hindi kami kailanman papasok dito habang sila ay nandirito. Kaya’t ikaw ay pumaroon (na kasama) ang iyong Panginoon at makipaglaban kayong dalawa, kami ay mauupo (lamang) dito.”
قَالَ رَبِّ إِنِّي لَا أَمْلِكُ إِلَّا نَفْسِي وَأَخِي ۖ فَافْرُقْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
Siya (Moises) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay may kapangyarihan lamang sa aking sarili at sa aking kapatid (na lalaki), kaya’t ako ay ihiwalay Ninyo sa mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at sumusuway kay Allah)!”
قَالَ فَإِنَّهَا مُحَرَّمَةٌ عَلَيْهِمْ ۛ أَرْبَعِينَ سَنَةً ۛ يَتِيهُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَلَا تَأْسَ عَلَى الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
(Si Allah) ay nagwika: “Kung gayon, ito (ang banal na lupa) ay ipinagbawal sa kanila sa loob ng apatnapung taon; sa pagkataranta sila ay magsisigala sa buong kalupaan. Kaya’t huwag kayong malumbay sa mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at sumusuway kay Allah).”
وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ ابْنَيْ آدَمَ بِالْحَقِّ إِذْ قَرَّبَا قُرْبَانًا فَتُقُبِّلَ مِنْ أَحَدِهِمَا وَلَمْ يُتَقَبَّلْ مِنَ الْآخَرِ قَالَ لَأَقْتُلَنَّكَ ۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ اللَّهُ مِنَ الْمُتَّقِينَ
At iyong dalitin (O Muhammad) sa kanila (mga Hudyo) sa katotohanan ang kasaysayan ng dalawang anak na lalaki ni Adan (Abel at Cain), nang ang bawat isa sa kanila ay maghandog ng alay (sakripisyo) kay Allah. Ito ay tinanggap mula sa isa ngunit hindi sa isa pa. Ang huli (Cain) ay nagsabi sa una (Abel): “Katiyakang ikaw ay aking papatayin.” Ang una (Abel) ay nagsabi: “Katotohanang si Allah ay tumatanggap lamang sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).”

Choose other languages: