Surah Al-Maeda Ayahs #29 Translated in Filipino
قَالَ رَبِّ إِنِّي لَا أَمْلِكُ إِلَّا نَفْسِي وَأَخِي ۖ فَافْرُقْ بَيْنَنَا وَبَيْنَ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
Siya (Moises) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay may kapangyarihan lamang sa aking sarili at sa aking kapatid (na lalaki), kaya’t ako ay ihiwalay Ninyo sa mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at sumusuway kay Allah)!”
قَالَ فَإِنَّهَا مُحَرَّمَةٌ عَلَيْهِمْ ۛ أَرْبَعِينَ سَنَةً ۛ يَتِيهُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ فَلَا تَأْسَ عَلَى الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
(Si Allah) ay nagwika: “Kung gayon, ito (ang banal na lupa) ay ipinagbawal sa kanila sa loob ng apatnapung taon; sa pagkataranta sila ay magsisigala sa buong kalupaan. Kaya’t huwag kayong malumbay sa mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at sumusuway kay Allah).”
وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ ابْنَيْ آدَمَ بِالْحَقِّ إِذْ قَرَّبَا قُرْبَانًا فَتُقُبِّلَ مِنْ أَحَدِهِمَا وَلَمْ يُتَقَبَّلْ مِنَ الْآخَرِ قَالَ لَأَقْتُلَنَّكَ ۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ اللَّهُ مِنَ الْمُتَّقِينَ
At iyong dalitin (O Muhammad) sa kanila (mga Hudyo) sa katotohanan ang kasaysayan ng dalawang anak na lalaki ni Adan (Abel at Cain), nang ang bawat isa sa kanila ay maghandog ng alay (sakripisyo) kay Allah. Ito ay tinanggap mula sa isa ngunit hindi sa isa pa. Ang huli (Cain) ay nagsabi sa una (Abel): “Katiyakang ikaw ay aking papatayin.” Ang una (Abel) ay nagsabi: “Katotohanang si Allah ay tumatanggap lamang sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).”
لَئِنْ بَسَطْتَ إِلَيَّ يَدَكَ لِتَقْتُلَنِي مَا أَنَا بِبَاسِطٍ يَدِيَ إِلَيْكَ لِأَقْتُلَكَ ۖ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ
Kung iyong iunat ang kamay mo laban sa akin upang ako ay patayin, hindi ko kailanman iuunat ang aking kamay laban sa iyo upang ikaw ay patayin, sapagkat ako ay nangangamba kay Allah; ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang
إِنِّي أُرِيدُ أَنْ تَبُوءَ بِإِثْمِي وَإِثْمِكَ فَتَكُونَ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الظَّالِمِينَ
Katotohanang ako ay nagnanais na iyong hatakin ang aking kasalanan tungo sa iyong sarili gayundin ang sa iyong (kasalanan), kung magkakagayon, ikaw ay isa sa mga mananahan sa Apoy, at ito ang kabayaran ng Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buhong, buktot, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
