Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #116 Translated in Filipino

إِذْ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ هَلْ يَسْتَطِيعُ رَبُّكَ أَنْ يُنَزِّلَ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ ۖ قَالَ اتَّقُوا اللَّهَ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
(Gunitain) nang ang mga Disipulo ay nagsabi” “O Hesus na anak ni Maria! Maaari bang ang iyong Panginoon ay magpapanaog sa amin ng isang Mantel (na may pagkain) mula sa langit?” Si Hesus ay nagbadya: “Pangambahan ninyo si Allah kung kayo ay tunay na sumasampalataya.”
قَالُوا نُرِيدُ أَنْ نَأْكُلَ مِنْهَا وَتَطْمَئِنَّ قُلُوبُنَا وَنَعْلَمَ أَنْ قَدْ صَدَقْتَنَا وَنَكُونَ عَلَيْهَا مِنَ الشَّاهِدِينَ
Sila ay nagsabi: “Kami ay nagnanais na kumain dito (sa Mantel na may pagkain) upang maging matatag ang aming Pananalig, at upang aming maalaman na katiyakang ikaw ay nagsabi sa amin ng katotohanan at kami sa aming sarili ay maging mga saksi.”
قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ اللَّهُمَّ رَبَّنَا أَنْزِلْ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ تَكُونُ لَنَا عِيدًا لِأَوَّلِنَا وَآخِرِنَا وَآيَةً مِنْكَ ۖ وَارْزُقْنَا وَأَنْتَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ
Si Hesus, ang anak ni Maria ay nagsabi: “o Allah, aming Panginoon! Ipadala Ninyo sa amin mula sa langit ang isang Mantel (na may pagkain) upang sa amin ay magkaroon, – para sa una at huli sa amin, – ng isang pagdiriwang at isang Tanda mula sa Inyo; at Inyong pagkalooban kami ng ikabubuhay, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga Tagapagtustos.”
قَالَ اللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيْكُمْ ۖ فَمَنْ يَكْفُرْ بَعْدُ مِنْكُمْ فَإِنِّي أُعَذِّبُهُ عَذَابًا لَا أُعَذِّبُهُ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ
Si Allah ay nagwika: “Ako ay magpapanaog nito sa inyo, datapuwa’t kung sinuman sa inyo makaraan ito, ang bumalik sa kawalan ng pananalig, kung gayon, siya ay Aking parurusahan ng isang kaparusahan na hindi Ko pa nagawa sa sinuman sa lahat ng mga nilalang.”
وَإِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ أَأَنْتَ قُلْتَ لِلنَّاسِ اتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيْنِ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالَ سُبْحَانَكَ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أَقُولَ مَا لَيْسَ لِي بِحَقٍّ ۚ إِنْ كُنْتُ قُلْتُهُ فَقَدْ عَلِمْتَهُ ۚ تَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِي وَلَا أَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِكَ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
At (gunitain) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus na anak ni Maria! Iyo bang ipinahayag sa mga tao: “Inyong sambahin ako at ang aking ina bilang dalawang diyos bukod pa kay Allah?” Siya (Hesus) ay magsasabi: “Luwalhatiin Kayo! Hindi isang katampatan sa akin ang magsabi ng isang bagay na wala akong karapatan (na magsabi). Kung aking binigkas ang gayong bagay, katotohanang ito ay Inyong mababatid. Talos Ninyo kung ano ang nasa aking kalooban datapuwa’t hindi ko nalalaman ang nasa Inyong (Kalooban), katotohanang Kayo at Kayo lamang ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng nakatago at nakalingid.”

Choose other languages: