Surah Al-Maeda Ayahs #118 Translated in Filipino
قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ اللَّهُمَّ رَبَّنَا أَنْزِلْ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ تَكُونُ لَنَا عِيدًا لِأَوَّلِنَا وَآخِرِنَا وَآيَةً مِنْكَ ۖ وَارْزُقْنَا وَأَنْتَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ
Si Hesus, ang anak ni Maria ay nagsabi: “o Allah, aming Panginoon! Ipadala Ninyo sa amin mula sa langit ang isang Mantel (na may pagkain) upang sa amin ay magkaroon, – para sa una at huli sa amin, – ng isang pagdiriwang at isang Tanda mula sa Inyo; at Inyong pagkalooban kami ng ikabubuhay, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga Tagapagtustos.”
قَالَ اللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيْكُمْ ۖ فَمَنْ يَكْفُرْ بَعْدُ مِنْكُمْ فَإِنِّي أُعَذِّبُهُ عَذَابًا لَا أُعَذِّبُهُ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ
Si Allah ay nagwika: “Ako ay magpapanaog nito sa inyo, datapuwa’t kung sinuman sa inyo makaraan ito, ang bumalik sa kawalan ng pananalig, kung gayon, siya ay Aking parurusahan ng isang kaparusahan na hindi Ko pa nagawa sa sinuman sa lahat ng mga nilalang.”
وَإِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ أَأَنْتَ قُلْتَ لِلنَّاسِ اتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيْنِ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ قَالَ سُبْحَانَكَ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أَقُولَ مَا لَيْسَ لِي بِحَقٍّ ۚ إِنْ كُنْتُ قُلْتُهُ فَقَدْ عَلِمْتَهُ ۚ تَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِي وَلَا أَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِكَ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
At (gunitain) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus na anak ni Maria! Iyo bang ipinahayag sa mga tao: “Inyong sambahin ako at ang aking ina bilang dalawang diyos bukod pa kay Allah?” Siya (Hesus) ay magsasabi: “Luwalhatiin Kayo! Hindi isang katampatan sa akin ang magsabi ng isang bagay na wala akong karapatan (na magsabi). Kung aking binigkas ang gayong bagay, katotohanang ito ay Inyong mababatid. Talos Ninyo kung ano ang nasa aking kalooban datapuwa’t hindi ko nalalaman ang nasa Inyong (Kalooban), katotohanang Kayo at Kayo lamang ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng nakatago at nakalingid.”
مَا قُلْتُ لَهُمْ إِلَّا مَا أَمَرْتَنِي بِهِ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۚ وَكُنْتُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا مَا دُمْتُ فِيهِمْ ۖ فَلَمَّا تَوَفَّيْتَنِي كُنْتَ أَنْتَ الرَّقِيبَ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنْتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Kailanman ay hindi ako nangusap sa kanila, maliban lamang kung ano ang Inyong ipinag-utos sa akin na sabihin: “Sambahin ninyo si Allah, ang aking Panginoon at inyong Panginoon,” at ako ay isang saksi sa kanila habang ako ay naninirahan sa kanilang lipon, datapuwa’t nang ako ay Inyong kaunin, kayo ang Tagamasid sa kanila, at Kayo ang Saksi sa lahat ng bagay. (Ito ay isang dakilang paala- ala at isang babala sa mga Kristiyano sa buong mundo)
إِنْ تُعَذِّبْهُمْ فَإِنَّهُمْ عِبَادُكَ ۖ وَإِنْ تَغْفِرْ لَهُمْ فَإِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Kung sila ay Inyong parusahan, sila ay Inyong mga alipin, at kung sila ay Inyong patawarin, katotohanang Kayo at Kayo lamang ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Ganap na Maalam
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
