Surah Al-Maeda Ayah #110 Translated in Filipino
إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ اذْكُرْ نِعْمَتِي عَلَيْكَ وَعَلَىٰ وَالِدَتِكَ إِذْ أَيَّدْتُكَ بِرُوحِ الْقُدُسِ تُكَلِّمُ النَّاسَ فِي الْمَهْدِ وَكَهْلًا ۖ وَإِذْ عَلَّمْتُكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَالتَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ ۖ وَإِذْ تَخْلُقُ مِنَ الطِّينِ كَهَيْئَةِ الطَّيْرِ بِإِذْنِي فَتَنْفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيْرًا بِإِذْنِي ۖ وَتُبْرِئُ الْأَكْمَهَ وَالْأَبْرَصَ بِإِذْنِي ۖ وَإِذْ تُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ بِإِذْنِي ۖ وَإِذْ كَفَفْتُ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَنْكَ إِذْ جِئْتَهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ

(At alalahanin) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus, na anak ni Maria! Iyong alalahanin ang Aking kagandahang loob sa iyo at sa iyong ina nang ikaw ay Aking patatagin (sa pamamagitan) ng ruh-ul-Qudus (Gabriel) upang ikaw ay makapangusap sa mga tao mula sa iyong duyan at sa iyong paglaki (hustong gulang). Pagmasdan! Ikaw ay Aking tinuruan ng pagsulat, ng Al Hikmah (ang kapangyarihan ng pang-unawa), ng Torah (mga Batas) at ng Ebanghelyo; at nang iyong gawin mula sa malagkit na putik, sa katulad na anyo, ang hugis ng isang ibon, sa Aking kapahintulutan, at hiningahan mo ito, at ito ay naging ibon sa Aking kapahintulutan, at iyong pinagaling ang mga bulag, at ang mga ketongin sa Aking kapahintulutan; at nang Aking pigilan ang Angkan ng Israel tungo sa iyo (nang sila ay magkaisa na ikaw ay patayin), sapagkat ikaw ay dumatal sa kanila na may maliliwanag na katibayan, at ang mga hindi sumasampalataya sa lipon nila ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba kundi isang malinaw na salamangka.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba