Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #111 Translated in Filipino

فَإِنْ عُثِرَ عَلَىٰ أَنَّهُمَا اسْتَحَقَّا إِثْمًا فَآخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ الَّذِينَ اسْتَحَقَّ عَلَيْهِمُ الْأَوْلَيَانِ فَيُقْسِمَانِ بِاللَّهِ لَشَهَادَتُنَا أَحَقُّ مِنْ شَهَادَتِهِمَا وَمَا اعْتَدَيْنَا إِنَّا إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ
At kung (sakaling) ang dalawang ito ay mapag-alaman na napatunayang may pagkakasala, hayaan ang dalawang iba pa ay tumindig sa halip nila, ang pinakamalapit na kamag-anak mula sa lipon ng mga may legal na karapatan. Hayaan silang manumpa kay Allah (na nagsasabi): “Kami ay nagpapatibay na ang aming pahayag ay higit na matapat sa kanilang dalawa, at kami ay hindi nagsilabag (sa katotohanan), sapagkat katiyakang (kung magkakagayon) kami ay magiging tampalasan.”
ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ يَأْتُوا بِالشَّهَادَةِ عَلَىٰ وَجْهِهَا أَوْ يَخَافُوا أَنْ تُرَدَّ أَيْمَانٌ بَعْدَ أَيْمَانِهِمْ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاسْمَعُوا ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ
Ito ay marapat na maging malapit (sa katotohanan), na ang kanilang pagsaksi ay nasa tunay nitong kalagayan at anyo (at samakatuwid ay tinanggap), kung hindi, sila ay mangangamba na ang mga panunumpa (pagsaksi) ng (iba) ay tatanggapin matapos ang kanilang panunumpa. At pangambahan si Allah at makinig (ng may pagtalima sa Kanya). At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway)
يَوْمَ يَجْمَعُ اللَّهُ الرُّسُلَ فَيَقُولُ مَاذَا أُجِبْتُمْ ۖ قَالُوا لَا عِلْمَ لَنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ
Sa Araw na titipunin ni Allah ang mga Tagapagbalita nang sama-sama at ipagsasaysay sa kanila: “Ano ang tugon na inyong tinanggap (mula sa mga tao tungkol sa inyong ipinangaral)?” Sila ay magsasabi: “Kami ay walang kaalaman, katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng mga bagay na nakalingid (o hindi nakikita, atbp)
إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ اذْكُرْ نِعْمَتِي عَلَيْكَ وَعَلَىٰ وَالِدَتِكَ إِذْ أَيَّدْتُكَ بِرُوحِ الْقُدُسِ تُكَلِّمُ النَّاسَ فِي الْمَهْدِ وَكَهْلًا ۖ وَإِذْ عَلَّمْتُكَ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَالتَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ ۖ وَإِذْ تَخْلُقُ مِنَ الطِّينِ كَهَيْئَةِ الطَّيْرِ بِإِذْنِي فَتَنْفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيْرًا بِإِذْنِي ۖ وَتُبْرِئُ الْأَكْمَهَ وَالْأَبْرَصَ بِإِذْنِي ۖ وَإِذْ تُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ بِإِذْنِي ۖ وَإِذْ كَفَفْتُ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَنْكَ إِذْ جِئْتَهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ
(At alalahanin) kung si Allah ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus, na anak ni Maria! Iyong alalahanin ang Aking kagandahang loob sa iyo at sa iyong ina nang ikaw ay Aking patatagin (sa pamamagitan) ng ruh-ul-Qudus (Gabriel) upang ikaw ay makapangusap sa mga tao mula sa iyong duyan at sa iyong paglaki (hustong gulang). Pagmasdan! Ikaw ay Aking tinuruan ng pagsulat, ng Al Hikmah (ang kapangyarihan ng pang-unawa), ng Torah (mga Batas) at ng Ebanghelyo; at nang iyong gawin mula sa malagkit na putik, sa katulad na anyo, ang hugis ng isang ibon, sa Aking kapahintulutan, at hiningahan mo ito, at ito ay naging ibon sa Aking kapahintulutan, at iyong pinagaling ang mga bulag, at ang mga ketongin sa Aking kapahintulutan; at nang Aking pigilan ang Angkan ng Israel tungo sa iyo (nang sila ay magkaisa na ikaw ay patayin), sapagkat ikaw ay dumatal sa kanila na may maliliwanag na katibayan, at ang mga hindi sumasampalataya sa lipon nila ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba kundi isang malinaw na salamangka.”
وَإِذْ أَوْحَيْتُ إِلَى الْحَوَارِيِّينَ أَنْ آمِنُوا بِي وَبِرَسُولِي قَالُوا آمَنَّا وَاشْهَدْ بِأَنَّنَا مُسْلِمُونَ
At nang Aking (Allah) ilagay sa puso ng mga disipulo (ni Hesus) na manampalataya sa Akin at sa Aking Tagapagbalita, sila ay nagsabi: “Kami ay sumasampalataya. At (kayo) ay maging saksi na kami ay mga Muslim.”

Choose other languages: