Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #61 Translated in Filipino

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ ذُكِّرَ بِآيَاتِ رَبِّهِ فَأَعْرَضَ عَنْهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ ۚ إِنَّا جَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَنْ يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۖ وَإِنْ تَدْعُهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ فَلَنْ يَهْتَدُوا إِذًا أَبَدًا
At sino pa kaya ang higit na nasa kamalian kaysa sa kanya na pinapaalalahanan ng Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanyang Panginoon, datapuwa’t tumatalikod dito na nakakalimot kung anong (mga gawa) ang inihantong ng kanyang mga kamay. Katotohanang Kami ay naglapat ng lambong sa kanilang puso, kung hindi, sila ay makakaunawa rito (sa Qur’an), at sa kanilang tainga, ng pagkabingi. At kung ikaw (o Muhammad) ay manawagan sa kanila sa patnubay, magkagayunman, sila ay hindi mapapatnubayan
وَرَبُّكَ الْغَفُورُ ذُو الرَّحْمَةِ ۖ لَوْ يُؤَاخِذُهُمْ بِمَا كَسَبُوا لَعَجَّلَ لَهُمُ الْعَذَابَ ۚ بَلْ لَهُمْ مَوْعِدٌ لَنْ يَجِدُوا مِنْ دُونِهِ مَوْئِلًا
At ang iyong Panginoon ang Pinakamapagpatawad, ang Nag-aangkin ng Habag. Kung Siya ay tatawag sa kanila upang ipagsulit ang kanilang kinita, kung gayon, katotohanang Kanyang mamadaliin ang kanilang kaparusahan. Datapuwa’t mayroon silang natataningang panahon, na pagsapit nito, sila ay hindi makakatagpo (ng landas) upang makatakas
وَتِلْكَ الْقُرَىٰ أَهْلَكْنَاهُمْ لَمَّا ظَلَمُوا وَجَعَلْنَا لِمَهْلِكِهِمْ مَوْعِدًا
At ang mga bayang ito (ang pamayanan ni A’ad, Thamud, atbp.), sila ay Aming winasak nang sila ay gumawa ng kamalian. At Kami ay nagtakda ng taning na panahon tungo sa kanilang pagkawasak
وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَاهُ لَا أَبْرَحُ حَتَّىٰ أَبْلُغَ مَجْمَعَ الْبَحْرَيْنِ أَوْ أَمْضِيَ حُقُبًا
At (gunitain) nang sabihin ni Moises sa kanyang katulong na lalaki: “Ako ay hindi susuko (sa paglalakbay) hanggang aking marating ang salikop ng dalawang dagat o (hanggang) gugulin ko ang maraming taon ng paglalakbay.”
فَلَمَّا بَلَغَا مَجْمَعَ بَيْنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَاتَّخَذَ سَبِيلَهُ فِي الْبَحْرِ سَرَبًا
Datapuwa’t nang kanilang marating ang salikop ng dalawang dagat, nalimutan nila ang kanilang isda, at ito ay nanalunton (ng kanyang daan) sa dagat na tila isang guwang (lagusan sa ilalim ng lupa)

Choose other languages: