Surah Al-Kahf Ayahs #26 Translated in Filipino
سَيَقُولُونَ ثَلَاثَةٌ رَابِعُهُمْ كَلْبُهُمْ وَيَقُولُونَ خَمْسَةٌ سَادِسُهُمْ كَلْبُهُمْ رَجْمًا بِالْغَيْبِ ۖ وَيَقُولُونَ سَبْعَةٌ وَثَامِنُهُمْ كَلْبُهُمْ ۚ قُلْ رَبِّي أَعْلَمُ بِعِدَّتِهِمْ مَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا قَلِيلٌ ۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمْ إِلَّا مِرَاءً ظَاهِرًا وَلَا تَسْتَفْتِ فِيهِمْ مِنْهُمْ أَحَدًا
(Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib
وَلَا تَقُولَنَّ لِشَيْءٍ إِنِّي فَاعِلٌ ذَٰلِكَ غَدًا
At huwag kayong magsabi kailanman sa anumang (bagay), “Aking gagawin bukas ang ganito at gayong bagay.”
إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ ۚ وَاذْكُرْ رَبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلْ عَسَىٰ أَنْ يَهْدِيَنِ رَبِّي لِأَقْرَبَ مِنْ هَٰذَا رَشَدًا
Maliban (na sabihin), “Kung pahihintulutan ni Allah!” At alalahanin mo ang iyong Panginoon kung ikaw ay nakalimot at magsabi: “Maaaring ang aking Panginoon ay mamamatnubay sa akin ng higit na malapit sa katotohanan kaysa rito.”
وَلَبِثُوا فِي كَهْفِهِمْ ثَلَاثَ مِائَةٍ سِنِينَ وَازْدَادُوا تِسْعًا
At sila ay namalagi sa kanilang Yungib ng tatlong daang taon (ayon sa solar na pagbilang), at magdagdag ng siyam (na taon, kung ang pagbilang ay ayon sa lunar na paraan)
قُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثُوا ۖ لَهُ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ أَبْصِرْ بِهِ وَأَسْمِعْ ۚ مَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا يُشْرِكُ فِي حُكْمِهِ أَحَدًا
Ipagbadya: “Si Allah ang higit na nakakaalam kung gaano sila katagal na namalagi. Siya ang nag-aangkin (ng karunungan) ng mga nalilingid sa kalangitan at kalupaan. Gaano Siya kaliwanag na nakakamalas at nakakarinig (ng lahat-lahat)! Sila ay walang Wali (Kawaksi, Tagapagpasya ng mga pangyayari, Tagapangalaga, atbp.) maliban sa Kanya, at hindi Niya ginawaran ang sinuman na makihati sa Kanyang Pagpapasya at Kanyang Pamamahala.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
