Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #28 Translated in Filipino

إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ ۚ وَاذْكُرْ رَبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلْ عَسَىٰ أَنْ يَهْدِيَنِ رَبِّي لِأَقْرَبَ مِنْ هَٰذَا رَشَدًا
Maliban (na sabihin), “Kung pahihintulutan ni Allah!” At alalahanin mo ang iyong Panginoon kung ikaw ay nakalimot at magsabi: “Maaaring ang aking Panginoon ay mamamatnubay sa akin ng higit na malapit sa katotohanan kaysa rito.”
وَلَبِثُوا فِي كَهْفِهِمْ ثَلَاثَ مِائَةٍ سِنِينَ وَازْدَادُوا تِسْعًا
At sila ay namalagi sa kanilang Yungib ng tatlong daang taon (ayon sa solar na pagbilang), at magdagdag ng siyam (na taon, kung ang pagbilang ay ayon sa lunar na paraan)
قُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثُوا ۖ لَهُ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ أَبْصِرْ بِهِ وَأَسْمِعْ ۚ مَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا يُشْرِكُ فِي حُكْمِهِ أَحَدًا
Ipagbadya: “Si Allah ang higit na nakakaalam kung gaano sila katagal na namalagi. Siya ang nag-aangkin (ng karunungan) ng mga nalilingid sa kalangitan at kalupaan. Gaano Siya kaliwanag na nakakamalas at nakakarinig (ng lahat-lahat)! Sila ay walang Wali (Kawaksi, Tagapagpasya ng mga pangyayari, Tagapangalaga, atbp.) maliban sa Kanya, at hindi Niya ginawaran ang sinuman na makihati sa Kanyang Pagpapasya at Kanyang Pamamahala.”
وَاتْلُ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِنْ كِتَابِ رَبِّكَ ۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَاتِهِ وَلَنْ تَجِدَ مِنْ دُونِهِ مُلْتَحَدًا
At dalitin mo kung ano ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) sa Aklat (ang Qur’an) ng iyong Panginoon (alalaong baga, dalitin ito, unawain at sundin ang mga turo at tumugon sa pag-uutos nito at ipangaral sa mga tao). Walang sinuman ang makakapagpabago ng Kanyang mga Salita, at wala kayong matatagpuang kanlungan na iba pa sa Kanya
وَاصْبِرْ نَفْسَكَ مَعَ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ وَلَا تَعْدُ عَيْنَاكَ عَنْهُمْ تُرِيدُ زِينَةَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَا تُطِعْ مَنْ أَغْفَلْنَا قَلْبَهُ عَنْ ذِكْرِنَا وَاتَّبَعَ هَوَاهُ وَكَانَ أَمْرُهُ فُرُطًا
At panatilihin mo ang iyong sarili (o Muhammad) sa pagtitiyaga na kasama ng mga tumatawag sa kanilang Panginoon (alalaong baga, ang iyong mga kasamahan na nakakaala-ala sa kanilang Panginoon ng may pagluwalhati, pagpupuri sa pagdarasal, atbp. at iba pang matutuwid na gawa, atbp.) sa umaga at hapon, na naghahanap sa Kanyang Mukha, at huwag hayaan ang iyong mga mata ay makaligta sa kanila, na naghahanap ng pagsasaya at kislap ng buhay sa mundo; at huwag mong sundin siya, na ang puso ay Aming ginawa na huwag makinig sa Aming Pagpapaala-ala, siya na sumusunod sa kanyang mga pagnanasa at sila na ang mga gawa ay nawala

Choose other languages: