Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #109 Translated in Filipino

وَبِالْحَقِّ أَنْزَلْنَاهُ وَبِالْحَقِّ نَزَلَ ۗ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا
At sa Katotohanan ay Aming ipinanaog ito (alalaong baga, ang Qur’an), at sa Katotohanan ito ay bumaba. At isinugo ka Namin (o Muhammad), at wala ng iba, maliban na ikaw ay tagapagdala ng Masayang Balita (ng Paraiso, sa mga susunod sa iyong Mensahe ng Kaisahan ni Allah at sa Islam), at bilang tagapagbabala (ng Apoy ng Impiyerno, sa mga tumatanggi na sumunod sa iyong Mensahe ng Kaisahan ni Allah at sa Islam)
وَقُرْآنًا فَرَقْنَاهُ لِتَقْرَأَهُ عَلَى النَّاسِ عَلَىٰ مُكْثٍ وَنَزَّلْنَاهُ تَنْزِيلًا
At (ito) ay isang Qur’an na Aming pinagbaha-bahagi (sa maraming antas o piraso), upang ito ay iyong madalit sa mga tao nang sali-salisi (sa maraming pagkakataon). At Aming ipinahayag ito sa maraming antas (sa loob ng 23 taon)
قُلْ آمِنُوا بِهِ أَوْ لَا تُؤْمِنُوا ۚ إِنَّ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ مِنْ قَبْلِهِ إِذَا يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ يَخِرُّونَ لِلْأَذْقَانِ سُجَّدًا
Ipagbadya (o Muhammad sa kanila): “Manalig kayo rito (sa Qur’an) o huwag kayong maniwala (rito). Katotohanan, sila na nabigyan ng karunungan bago pa ([sa Qur’an], ang mga Hudyo at Kristiyano katulad ni Abdullah bin Salam at Salman Al-Farsi), nang ito ay dalitin sa kanila, sila ay nangayupapa sa kanilang mukha at buong kapakumbabaan sa pagpapatirapa
وَيَقُولُونَ سُبْحَانَ رَبِّنَا إِنْ كَانَ وَعْدُ رَبِّنَا لَمَفْعُولًا
At sila ay nagsasabi: “Kaluwalhatian sa aming Panginoon! Katotohanan, ang pangako ng aming Panginoon ay marapat na matupad.”
وَيَخِرُّونَ لِلْأَذْقَانِ يَبْكُونَ وَيَزِيدُهُمْ خُشُوعًا ۩
At sila ay nangayupapa sa kanilang mukha na nananangis at ito ay nakapagdagdag sa kanilang kapakumbabaan

Choose other languages: