Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #111 Translated in Filipino

وَيَقُولُونَ سُبْحَانَ رَبِّنَا إِنْ كَانَ وَعْدُ رَبِّنَا لَمَفْعُولًا
At sila ay nagsasabi: “Kaluwalhatian sa aming Panginoon! Katotohanan, ang pangako ng aming Panginoon ay marapat na matupad.”
وَيَخِرُّونَ لِلْأَذْقَانِ يَبْكُونَ وَيَزِيدُهُمْ خُشُوعًا ۩
At sila ay nangayupapa sa kanilang mukha na nananangis at ito ay nakapagdagdag sa kanilang kapakumbabaan
قُلِ ادْعُوا اللَّهَ أَوِ ادْعُوا الرَّحْمَٰنَ ۖ أَيًّا مَا تَدْعُوا فَلَهُ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَلَا تَجْهَرْ بِصَلَاتِكَ وَلَا تُخَافِتْ بِهَا وَابْتَغِ بَيْنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا
Ipagbadya (o Muhammad): “Panikluhuran ninyo si Allah o panikluhuran ninyo ang Pinakamapagbigay (Allah), sa anumang pangalan na inyong tawagin Siya (ito ay magkatulad lamang) para sa Kanya, sapagkat Siya ang nag- aangkin ng Pinakamagagandang Pangalan. At iyong usalin ang iyong panalangin ng hindi malakas, gayundin naman, ng hindimahina, datapuwa’tiyongsundinangkatamtaman.”
وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي لَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَلَمْ يَكُنْ لَهُ وَلِيٌّ مِنَ الذُّلِّ ۖ وَكَبِّرْهُ تَكْبِيرًا
At ipagbadya: “Ang lahat ng mga Pagpupuri at Pasasalamat ay kay Allah lamang, na (Siya) ay hindi nagkaanak, at (Siya) ay walang katambal sa (Kanyang) Paghahari, gayundin, Siya ay hindi isang aba upang magkaroon ng wali (kawaksi, tagapagtanggol o tagapagtaguyod). At inyong ipagdiwang ang pagbubunyi sa Kanya ng may lahat ng pagpaparangal (Allahu Akbar, si Allah ang Pinakadakila)

Choose other languages: