Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #72 Translated in Filipino

وَإِنْ جَادَلُوكَ فَقُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ
At kung sila ay makipagtalo sa iyo (tungkol sa pagkakatay ng mga sakripisyo), inyong sabihin: “Si Allah ang ganap na nakakaalam ng inyong ginagawa.”
اللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
“Si Allah ang hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay, na tungkol sa bagay na iyan, ay hindi ninyo pinagkakasunduan.”
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَابٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ
Hindi baga ninyo nalalaman na si Allah ang nakakabatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan? Katotohanan, ang lahat ng ito ay nasa isang Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz). Katotohanan! Ito ay magaan kay Allah
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَمَا لَيْسَ لَهُمْ بِهِ عِلْمٌ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ نَصِيرٍ
At sila ay sumasamba sa iba pa maliban kay Allah, doon sa mga bagay na hindi Siya nagpapanaog ng kapamahalaan, na roon ay wala silang kaalaman, at sa Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) ay walang makakatulong
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ تَعْرِفُ فِي وُجُوهِ الَّذِينَ كَفَرُوا الْمُنْكَرَ ۖ يَكَادُونَ يَسْطُونَ بِالَّذِينَ يَتْلُونَ عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا ۗ قُلْ أَفَأُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِنْ ذَٰلِكُمُ ۗ النَّارُ وَعَدَهَا اللَّهُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
At kung ang Aming Malilinaw na mga Talata ay dinadalit sa kanila, iyong mahahalata ang pagtatakwil sa mukha ng mga hindi sumasampalataya! Sila ay halos handa na, na lusubin ng may karahasan ang mga nagsisidalit ng Aming mga Talata sa kanila. Ipagbadya: “Sasabihin ko ba sa inyo ang isang bagay na masahol pa kaysa rito? Ang Apoy (ng Impiyerno) na ipinangako ni Allah sa mga hindi nananampalataya, at tunay na napakasama ng hantungang ito!”

Choose other languages: