Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #71 Translated in Filipino

لِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا هُمْ نَاسِكُوهُ ۖ فَلَا يُنَازِعُنَّكَ فِي الْأَمْرِ ۚ وَادْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدًى مُسْتَقِيمٍ
Sa bawat bansa (pamayanan) ay itinakda Namin ang mga pangrelihiyong seremonya (alalaong baga, ang pagsasakripisyo ng hayop sa panahon ng Pilgrimahe sa tatlong araw nang pananatili sa Mina rito sa Makkah), na dapat nilang sundin, kaya’t huwag hayaan sila (mga pagano) na makipagtalo sa inyo sa mga bagay (na katulad nang pagkain ng inialay na hayop at hindi ng hayop na pinatay ni Allah sa natural na kamatayan), datapuwa’t inyong anyayahan sila sa inyong Panginoon. Katotohanan! Ikaw (O Muhammad) ay tunay na nasa Matuwid na Landas (alalaong baga, sa tunay na Relihiyon ng Islam at Kaisahan ni Allah)
وَإِنْ جَادَلُوكَ فَقُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُونَ
At kung sila ay makipagtalo sa iyo (tungkol sa pagkakatay ng mga sakripisyo), inyong sabihin: “Si Allah ang ganap na nakakaalam ng inyong ginagawa.”
اللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
“Si Allah ang hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay, na tungkol sa bagay na iyan, ay hindi ninyo pinagkakasunduan.”
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَابٍ ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ
Hindi baga ninyo nalalaman na si Allah ang nakakabatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan? Katotohanan, ang lahat ng ito ay nasa isang Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz). Katotohanan! Ito ay magaan kay Allah
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا وَمَا لَيْسَ لَهُمْ بِهِ عِلْمٌ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ نَصِيرٍ
At sila ay sumasamba sa iba pa maliban kay Allah, doon sa mga bagay na hindi Siya nagpapanaog ng kapamahalaan, na roon ay wala silang kaalaman, at sa Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) ay walang makakatulong

Choose other languages: