Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #35 Translated in Filipino

حُنَفَاءَ لِلَّهِ غَيْرَ مُشْرِكِينَ بِهِ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ السَّمَاءِ فَتَخْطَفُهُ الطَّيْرُ أَوْ تَهْوِي بِهِ الرِّيحُ فِي مَكَانٍ سَحِيقٍ
Hunafa Lillah (alalaong baga, ang sumamba ng wala ng iba kundi kay Allah), at hindi pagtatambal ng kasama sa Kanya (sa pagsamba) at sinumang magtalaga ng katambal kayAllah, ang makakatulad niya ay wari bang siya ay nahulog sa alapaap (kaitaasan), at ang mga ibon ay umagaw sa kanya, o ang hangin ay nagtapon sa kanya sa isang malayong lugar
ذَٰلِكَ وَمَنْ يُعَظِّمْ شَعَائِرَ اللَّهِ فَإِنَّهَا مِنْ تَقْوَى الْقُلُوبِ
Kaya’t ang mga ito (ang mga nabanggit sa talata 27 hanggang 31, ay isang obligasyon ng tao na nakalaan kay Allah). At sinumang magparangal sa mga Tanda ni Allah, kung gayon, ito ay katotohanang nanggagaling sa kataimtiman ng puso
لَكُمْ فِيهَا مَنَافِعُ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ثُمَّ مَحِلُّهَا إِلَى الْبَيْتِ الْعَتِيقِ
Sa kanila (ang mga hayop na inialay sa sakripisyo) ay mga kapakinabangan sa inyo sa natatakdaang araw, at pagkatapos, sila ay dinala upang isakripisyo sa Sinaunang Tahanan (ang Haram, ang sagradong teritoryo ng lungsod ng Makkah)
وَلِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا لِيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۗ فَإِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَلَهُ أَسْلِمُوا ۗ وَبَشِّرِ الْمُخْبِتِينَ
At sa bawat bansa, Kami ay nagtalaga ng panrelihiyong mga seremonya, upang kanilang mabanggit ang Pangalan ni Allah sa ibabaw (o harapan) ng mga hayop na Kanyang ipinagkaloob sa kanila bilang pagkain. At ang inyong Ilah (Diyos) ay Isang Ilah (Diyos, si Allah), kaya’t sa Kanya lamang kayo sumuko (sa Islam). At ikaw (o Muhammad), ay magpahayag ng magandang balita sa Mukhbitin (yaong mga sumusunod kay Allah ng may kapakumbabaan at may mabababang loob sa gitna ng mga sumasampalataya sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَالصَّابِرِينَ عَلَىٰ مَا أَصَابَهُمْ وَالْمُقِيمِي الصَّلَاةِ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
Sila na ang puso ay tigib ng pangangamba kung si Allah ay nababanggit; na matiyagang nagbabata sa anumang sumapit sa kanila (na kapinsalaan), at sila na mga nagsisipag-alay ng Salah (palagiang pagdarasal) nang mahinusay, at gumugugol (sa Kapakanan ni Allah) mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila

Choose other languages: