Surah Al-Hajj Ayahs #38 Translated in Filipino
وَلِكُلِّ أُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا لِيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۗ فَإِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَلَهُ أَسْلِمُوا ۗ وَبَشِّرِ الْمُخْبِتِينَ
At sa bawat bansa, Kami ay nagtalaga ng panrelihiyong mga seremonya, upang kanilang mabanggit ang Pangalan ni Allah sa ibabaw (o harapan) ng mga hayop na Kanyang ipinagkaloob sa kanila bilang pagkain. At ang inyong Ilah (Diyos) ay Isang Ilah (Diyos, si Allah), kaya’t sa Kanya lamang kayo sumuko (sa Islam). At ikaw (o Muhammad), ay magpahayag ng magandang balita sa Mukhbitin (yaong mga sumusunod kay Allah ng may kapakumbabaan at may mabababang loob sa gitna ng mga sumasampalataya sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَالصَّابِرِينَ عَلَىٰ مَا أَصَابَهُمْ وَالْمُقِيمِي الصَّلَاةِ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
Sila na ang puso ay tigib ng pangangamba kung si Allah ay nababanggit; na matiyagang nagbabata sa anumang sumapit sa kanila (na kapinsalaan), at sila na mga nagsisipag-alay ng Salah (palagiang pagdarasal) nang mahinusay, at gumugugol (sa Kapakanan ni Allah) mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila
وَالْبُدْنَ جَعَلْنَاهَا لَكُمْ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ لَكُمْ فِيهَا خَيْرٌ ۖ فَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا صَوَافَّ ۖ فَإِذَا وَجَبَتْ جُنُوبُهَا فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْقَانِعَ وَالْمُعْتَرَّ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرْنَاهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
At sa Budn (mga baka, kamelyo, o tupa na dala bilang pang-alay na sakripisyo ng mga nagpipilgrimahe sa Santuwaryo ng Makkah). Ginawa Namin sa inyo bilang (isa) sa mga Tanda ni Allah, dito kayo ay may higit na kapakinabangan. Kaya’t banggitin ninyo ang Pangalan ni Allah kung sila ay ilabas na at ihanay (upang isakripisyo). Kaya’t kung sila ay maitumba na ninyo (matapos ang pagkatay), kayo ay magsikain dito, at pakainin ninyo ang mga pulubi na hindi nanghihingi (sa mga tao), at mga pulubi na namamalimos (sa mga tao). Kaya’t ginawa Namin na sila ay mapailalim sa inyo, upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
لَنْ يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِنْ يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنْكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَاكُمْ ۗ وَبَشِّرِ الْمُحْسِنِينَ
Hindi ang kanilang laman o dugo ang nakakarating kay Allah, datapuwa’t ang katausan (o kataimtiman) mula sa inyo ang sumasapit sa Kanya. Kaya’t ginawa Namin na mapailalim sila sa inyo upang inyong itampok si Allah sa Kanyang naging patnubay sa inyo. At ibigay mo (o Muhammad) ang magandang balita sa Muhsinun (lahat ng mga gumagawa ng kabutihan)
إِنَّ اللَّهَ يُدَافِعُ عَنِ الَّذِينَ آمَنُوا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٍ كَفُورٍ
Katotohanang si Allah ang nagtatanggol sa mga sumasampalataya. Katotohanan! SiAllah ay hindi umiibig sa mga taksil at mga walang utang na loob sa Kanya (sila na mga sumusuway kay Allah, datapuwa’t sumusunod kay Satanas)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
