Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #39 Translated in Filipino

الَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ اللَّهُ وَجِلَتْ قُلُوبُهُمْ وَالصَّابِرِينَ عَلَىٰ مَا أَصَابَهُمْ وَالْمُقِيمِي الصَّلَاةِ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
Sila na ang puso ay tigib ng pangangamba kung si Allah ay nababanggit; na matiyagang nagbabata sa anumang sumapit sa kanila (na kapinsalaan), at sila na mga nagsisipag-alay ng Salah (palagiang pagdarasal) nang mahinusay, at gumugugol (sa Kapakanan ni Allah) mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila
وَالْبُدْنَ جَعَلْنَاهَا لَكُمْ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ لَكُمْ فِيهَا خَيْرٌ ۖ فَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا صَوَافَّ ۖ فَإِذَا وَجَبَتْ جُنُوبُهَا فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْقَانِعَ وَالْمُعْتَرَّ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرْنَاهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
At sa Budn (mga baka, kamelyo, o tupa na dala bilang pang-alay na sakripisyo ng mga nagpipilgrimahe sa Santuwaryo ng Makkah). Ginawa Namin sa inyo bilang (isa) sa mga Tanda ni Allah, dito kayo ay may higit na kapakinabangan. Kaya’t banggitin ninyo ang Pangalan ni Allah kung sila ay ilabas na at ihanay (upang isakripisyo). Kaya’t kung sila ay maitumba na ninyo (matapos ang pagkatay), kayo ay magsikain dito, at pakainin ninyo ang mga pulubi na hindi nanghihingi (sa mga tao), at mga pulubi na namamalimos (sa mga tao). Kaya’t ginawa Namin na sila ay mapailalim sa inyo, upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
لَنْ يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِنْ يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنْكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَاكُمْ ۗ وَبَشِّرِ الْمُحْسِنِينَ
Hindi ang kanilang laman o dugo ang nakakarating kay Allah, datapuwa’t ang katausan (o kataimtiman) mula sa inyo ang sumasapit sa Kanya. Kaya’t ginawa Namin na mapailalim sila sa inyo upang inyong itampok si Allah sa Kanyang naging patnubay sa inyo. At ibigay mo (o Muhammad) ang magandang balita sa Muhsinun (lahat ng mga gumagawa ng kabutihan)
إِنَّ اللَّهَ يُدَافِعُ عَنِ الَّذِينَ آمَنُوا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٍ كَفُورٍ
Katotohanang si Allah ang nagtatanggol sa mga sumasampalataya. Katotohanan! SiAllah ay hindi umiibig sa mga taksil at mga walang utang na loob sa Kanya (sila na mga sumusuway kay Allah, datapuwa’t sumusunod kay Satanas)
أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَاتَلُونَ بِأَنَّهُمْ ظُلِمُوا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ نَصْرِهِمْ لَقَدِيرٌ
Ang kapahintulutan upang makipaglaban ay iginawad sa kanila (alalaong baga, ang mga sumasampalataya laban sa mga hindi sumasampalataya), na kumakalaban sa kanila, (at) dahilan sa sila (na mga sumasampalataya) ay ginawan ng kamalian, at katotohanang si Allah ay makapagkakaloob sa kanila (mga sumasampalataya) ng tagumpay

Choose other languages: