Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #41 Translated in Filipino

لَنْ يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِنْ يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنْكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَاكُمْ ۗ وَبَشِّرِ الْمُحْسِنِينَ
Hindi ang kanilang laman o dugo ang nakakarating kay Allah, datapuwa’t ang katausan (o kataimtiman) mula sa inyo ang sumasapit sa Kanya. Kaya’t ginawa Namin na mapailalim sila sa inyo upang inyong itampok si Allah sa Kanyang naging patnubay sa inyo. At ibigay mo (o Muhammad) ang magandang balita sa Muhsinun (lahat ng mga gumagawa ng kabutihan)
إِنَّ اللَّهَ يُدَافِعُ عَنِ الَّذِينَ آمَنُوا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٍ كَفُورٍ
Katotohanang si Allah ang nagtatanggol sa mga sumasampalataya. Katotohanan! SiAllah ay hindi umiibig sa mga taksil at mga walang utang na loob sa Kanya (sila na mga sumusuway kay Allah, datapuwa’t sumusunod kay Satanas)
أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَاتَلُونَ بِأَنَّهُمْ ظُلِمُوا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ نَصْرِهِمْ لَقَدِيرٌ
Ang kapahintulutan upang makipaglaban ay iginawad sa kanila (alalaong baga, ang mga sumasampalataya laban sa mga hindi sumasampalataya), na kumakalaban sa kanila, (at) dahilan sa sila (na mga sumasampalataya) ay ginawan ng kamalian, at katotohanang si Allah ay makapagkakaloob sa kanila (mga sumasampalataya) ng tagumpay
الَّذِينَ أُخْرِجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ بِغَيْرِ حَقٍّ إِلَّا أَنْ يَقُولُوا رَبُّنَا اللَّهُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ اللَّهِ النَّاسَ بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لَهُدِّمَتْ صَوَامِعُ وَبِيَعٌ وَصَلَوَاتٌ وَمَسَاجِدُ يُذْكَرُ فِيهَا اسْمُ اللَّهِ كَثِيرًا ۗ وَلَيَنْصُرَنَّ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ
Sila na mga itinaboy sa kanilang mga tahanan ng walang katarungan sapagkat sila ay nagtatanggol sa karapatan (at sa kadahilanan) na sila ay nagsasabi ng: “Ang aming Panginoon ay si Allah”. At kung hindi (sana) nilapatan ni Allah ang isang lipon ng mga tao sa pamamagitan ng iba, katotohanang dito ay igugupo ang mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga moske, kung saan ang Ngalan ni Allah ay ginugunita nang masagana. Katotohanang si Allah ay tutulong sa mga tao na tumutulong sa Kanyang (Kapakanan). Katotohanang si Allah ang Ganap na Malakas, ang Lubos na Makapangyarihan
الَّذِينَ إِنْ مَكَّنَّاهُمْ فِي الْأَرْضِ أَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ وَأَمَرُوا بِالْمَعْرُوفِ وَنَهَوْا عَنِ الْمُنْكَرِ ۗ وَلِلَّهِ عَاقِبَةُ الْأُمُورِ
Sila (na mga Muslim na namumuno), na kung sila ay Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos sa Salah (palagiang pagdarasal nang mahinusay), at pagbabayad ng Zakah (takdang tulong na pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam at sa lahat ng ipinag-uutos nito) at nagbabawal sa Al-Munkar (paganismo, kawalan ng pananampalataya at lahat ng ipinagbabawal sa Islam). At kay Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng (lahat) ng pangyayari (ng mga nilalang)

Choose other languages: