Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #14 Translated in Filipino

تَبَارَكَ الَّذِي إِنْ شَاءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِنْ ذَٰلِكَ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَيَجْعَلْ لَكَ قُصُورًا
Kapuri-puri Siya, na kung Kanyang naisin, ay maggagawad sa inyo ng higit na mabuti sa (lahat) ng mga iyan, - mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), at magbibigay sa inyo ng mga Palasyo (alalaong baga, Paraiso)
بَلْ كَذَّبُوا بِالسَّاعَةِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لِمَنْ كَذَّبَ بِالسَّاعَةِ سَعِيرًا
Hindi, itinatakwil nila ang Oras (ang Araw ng Muling Pagkabuhay), at sa mga nagtatakwil sa Oras, Kami ay naghanda ng nag-aalimpuyong Apoy (alalaong baga, ang Impiyerno)
إِذَا رَأَتْهُمْ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ سَمِعُوا لَهَا تَغَيُّظًا وَزَفِيرًا
Na kung ito (Impiyerno) ay nakakamasid sa kanila sa kalayuan, ay maririnig nila ang kanyang (Impiyerno) pag-aalimpuyo at pagngangalit
وَإِذَا أُلْقُوا مِنْهَا مَكَانًا ضَيِّقًا مُقَرَّنِينَ دَعَوْا هُنَالِكَ ثُبُورًا
At kung sila ay ihagis na sa loob ng makipot na lugar, na nakatanikala sa isa’t isa, sila ay sisigaw doon tungo sa pagkawasak
لَا تَدْعُوا الْيَوْمَ ثُبُورًا وَاحِدًا وَادْعُوا ثُبُورًا كَثِيرًا
Huwag kayong sumigaw tungo lamang sa isang pagkawasak, datapuwa’t sumigaw kayo sa maraming pagkawasak

Choose other languages: