Surah Al-Furqan Ayahs #15 Translated in Filipino
بَلْ كَذَّبُوا بِالسَّاعَةِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لِمَنْ كَذَّبَ بِالسَّاعَةِ سَعِيرًا
Hindi, itinatakwil nila ang Oras (ang Araw ng Muling Pagkabuhay), at sa mga nagtatakwil sa Oras, Kami ay naghanda ng nag-aalimpuyong Apoy (alalaong baga, ang Impiyerno)
إِذَا رَأَتْهُمْ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ سَمِعُوا لَهَا تَغَيُّظًا وَزَفِيرًا
Na kung ito (Impiyerno) ay nakakamasid sa kanila sa kalayuan, ay maririnig nila ang kanyang (Impiyerno) pag-aalimpuyo at pagngangalit
وَإِذَا أُلْقُوا مِنْهَا مَكَانًا ضَيِّقًا مُقَرَّنِينَ دَعَوْا هُنَالِكَ ثُبُورًا
At kung sila ay ihagis na sa loob ng makipot na lugar, na nakatanikala sa isa’t isa, sila ay sisigaw doon tungo sa pagkawasak
لَا تَدْعُوا الْيَوْمَ ثُبُورًا وَاحِدًا وَادْعُوا ثُبُورًا كَثِيرًا
Huwag kayong sumigaw tungo lamang sa isang pagkawasak, datapuwa’t sumigaw kayo sa maraming pagkawasak
قُلْ أَذَٰلِكَ خَيْرٌ أَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۚ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاءً وَمَصِيرًا
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang gayon (kayang kaparusahan) ay higit na mainam kaysa sa walang hanggang Halamanan (Paraiso) na ipinangako sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng mabubuti na Kanyang ipinag-utos)? Ito ay sasakanila bilang isang gantimpala, at bilang isang huling hantungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
