Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #18 Translated in Filipino

لَا تَدْعُوا الْيَوْمَ ثُبُورًا وَاحِدًا وَادْعُوا ثُبُورًا كَثِيرًا
Huwag kayong sumigaw tungo lamang sa isang pagkawasak, datapuwa’t sumigaw kayo sa maraming pagkawasak
قُلْ أَذَٰلِكَ خَيْرٌ أَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۚ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاءً وَمَصِيرًا
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang gayon (kayang kaparusahan) ay higit na mainam kaysa sa walang hanggang Halamanan (Paraiso) na ipinangako sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng mabubuti na Kanyang ipinag-utos)? Ito ay sasakanila bilang isang gantimpala, at bilang isang huling hantungan
لَهُمْ فِيهَا مَا يَشَاءُونَ خَالِدِينَ ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعْدًا مَسْئُولًا
Para sa kanila, naroroon ang lahat ng kanilang minimithi, at sila ay magsisipa-nahan (doon). Ito ay isang pangako na pinangangatawanan ng inyong Panginoon na nararapat na matupad
وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَقُولُ أَأَنْتُمْ أَضْلَلْتُمْ عِبَادِي هَٰؤُلَاءِ أَمْ هُمْ ضَلُّوا السَّبِيلَ
At sa Araw na sila ay Kanyang titipunin nang sama- sama, gayundin ang mga bagay (imahen, anghel, banal na tao, Hesus - anak ni Maria) na kanilang sinasamba maliban pa kay Allah. Siya (Allah) ay magwiwika: “Kayo ba ang nagligaw sa kanila na Aking mga alipin o sila ba (sa kanilang sarili) ang lumihis sa (tamang) Landas?”
قَالُوا سُبْحَانَكَ مَا كَانَ يَنْبَغِي لَنَا أَنْ نَتَّخِذَ مِنْ دُونِكَ مِنْ أَوْلِيَاءَ وَلَٰكِنْ مَتَّعْتَهُمْ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ نَسُوا الذِّكْرَ وَكَانُوا قَوْمًا بُورًا
Sila ay magsasabi: “Luwalhatiin Kayo! Wala sa amin (ang kapasiyahan) upang tumangkilik ng anumang Auliya (tagapagtanggol, katulong, atbp.) maliban sa Inyo, datapuwa’t Inyong binigyan sila at ang kanilang mga ninuno ng kaginhawahan hanggang sa makalimutan nila ang babala, at naging mga tao na napaligaw (sa ganap na pagkapariwara)

Choose other languages: